Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.

Boarding School sa UK - Kolehiyo ng Queen Ethelburga
Nagsasarili, Pribadong Paaralan para sa mga batang lalaki
at babae na may edad na 5 hanggang 18
Telepono: 0044 1423 333 330

Bigyan ang inyong anak ng tradisyonal na Edukasyon sa English

Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.
Maligayang pagdating
Mga Pasilidad
Lokasyon
Boarding
5 hanggang 10 taong gulang
11 hanggang 18 taong gulang
Ika-anim na Form
Mga Resulta
Anong Sunod?

Kung sa tingin mo ay interesado ka ano ang susunod mong dapat gawin?

Kung ang iyong anak ay naging isang mag-aaral ng Queen Ethelburga’s mapag-aalaman nila na kami ay palakaibigan, magaling umintindi at matulungin. Ang aming campus ay kahanga-hanga, kasiya-siya at nakaka-engganyo. Habang tumatanggap naman kami ng mga bata mula sa ibang bansa para sa aming Sixth Form kapag sila ay nasa 16, 17 o 18 taong gulang napag-alaman namin na ang isang bata na sumali sa amin sa mas maagang edad ay mas gumagaling at mahusay ang nakakamit. Marami kaming mga mag-aaral mula sa ibang bansa na may edad na 5 taong gulang pataas. Ang ilan sa amin ay sumasali nang may edad na 8, o 11 o 13 o 15 taong gulang. Tumatanggap kami ng mga mag-aaral sa lahat ng edad.

Kung kakayanin mo, masisiyahan kami kung makakapunta ka at mabibisita mo kami, subalit naiintindihan namin na ito ay mahirap o imposible para sa ilang mga magulang na nasa ibang bansa. Kung ikaw ay bumisita sa amin bibigyan ka namin at ang iyong anak ng isang ganap na pamamasyal sa aming campus at isasaayos namin na makilala ng lahat ang mga mahahalagang tao na magkakaroon ng papel sa edukasyon ng iyong anak. Kung mayroon kang amumang mga katanungan ngayon matapos na basahin ang libretong ito ay pakibigay-alam lamang sa amin. Maaari kayong tumawag, lumiham, mag-fax o mag-email sa amin. Malugod kaming tutulong sa iyo sa anumang paraan na aming makakaya. Kung nakapagpasya ka na nais ng iyong anak na magpunta sa aming Paaralan at hindi ka makakapunta ay pakibisita lamang kami:-

1) Kumpletuhin ang Registration Application Form at ipadala ito sa amin, kabilang ang kabayaran na £185 ~ mas madali kung makakatanggap kami ng kabayaran sa pamamagitan ng credit card.

2) Ibigay sa amin ang buong detalye ukol sa mga kasalukuyan at nakaraang paaralan ng iyong anak kabilang ang mga detalye ng anumang mga pagsusulit na pinasa o mga markang nakamit. Mangyaring makisama na din ang isang pormal na nakasulat na pag-endorso mula sa kasalukuyang paaralan ng iyong anak kung ito ay maaari. Kailangan din kaming makatanggap ng isang kopya ng iyong pinakabagong ulat sa paaralan ng iyong anak.

3) Kuwentuhan ninyo kami nang kaunti tungkol sa inyo bilang mga magulang at kung ano ang inyong ginagawa. Kuwentuhan ninyo kami tungkol sa inyong pamilya at kung sino sila. Kuwentuhan ninyo kami tungkol sa inyong anak na nais sumali sa amin. Ano ang gusto nila at ayaw nila? Ano ang kanilang ginagawa kapag nababakante? Makakatulong ang isang hindi-pormal na litrato ng pamilya. Ano ang gustong gawin ng iyong anak sa kanyang karera? Ito ba ang gusto ninyo? Kung mas malalim ang aming maiintindihan ay mas mabuti.

4) Ibigay sa amin ang mga detalye ng lahat ng iba pa na sa tingin ninyo ay dapat namin malaman. Mayroon bang anumang mga problema ang iyong anak na dapat naming malaman? Kung ang iyong anak ay may anumang kapansanan pang-medikal o pisikal, o di kaya’y allergic siya sa anumang bagay ay dapat na ipagbigay-alam na ninyo sa amin ito ngayon.

Kung ang wikang Ingles ay isang wika na hindi kayo pamilyar sa gayon ay lumiham sa wika ng iyong sariling bansa, at ang isa sa aming mga tauhan ang makakapag-salinwika ng iyong sulat at impormasyon sa wikang Ingles. Siyempre naman, ang proseso ay mas mabilis kung makakatanggap kami ng impormasyon sa wikang Ingles.

Pagkatapos ay isasaproseso namin ang impormasyon na inyong ipinadala at malamang ay makikipag-ugnayan kami sa paaralan na kasalukuyang nag-aaral ang iyong anak maliban kung magbigay kayo ng dahilan na huwag gawin ito. Kung pumayag kami pumasok ang iyong anak sa Queen Ethelburga's ay liliham kami sa inyo at ibibigay namin sa inyo ang lahat ng impormasyon na inyong kakailanganing malaman. Kung ang sagot ay isang nakakalungkot na hindi ay liliham din kami at ipapaalam din namin sa inyo. Ang buong proseso ay karaniwang tumatagal ng tatlong linggo. Kung mayroong mga pang-madaliang dahilan kung bakit tayong lahat ay kailangang kumilos nang napakabilis, ang mga bagay-bagay ay maaaring maayos at maaaring magsagawa ng mga pagsasaayos sa loob ng ilang araw sa halip ng ilang linggo.

Ang Registrar, Queen Ethelburga’s College
Admissions Department
The Undercroft Offices,
T horpe U nderwood Estate
York. Y026 9SS. England

Tel: +44 (0) 1423 33 33 30     Fax: +44 (0) 1423 33 33 10

Email:

Mga bayarin bawat Term ~ maaaring bayaran nang maaga

May tatlong term sa isang taon. Ang halagang ibinibigay ay para sa isang term. Ang mga presyo na ito ay ang aming kasalukuyang mga presyo. Ang mga presyo ay nirerepaso bawat taon. Maaari mong bayaran ang mga bayarin sa pamamagitan ng Cheke o Bank Transfer. Para sa isang maliit na singil ay maaari mong ikalat ang mga pagbabayad sa ilang mga buwan o magbayad sa pamamagitan ng Visa, MasterCard o American Express. Ang lahat ng mga mag-aaral sa ibang bansa ay kinakailangan din na magbayad ng minsanan na pang-unang deposito na nagkakahalagang £1,500, na maaaring maibalik nang buo sa pagwawakas ng pag-aaral at kung ang lahat ng mga bayarin ay nabayaran nang buo. Kinakailangan ka ding magbigay ng isang paunawa nang isang term na mas maaga kung ikaw ay aalis at kung hindi ay sisinigil ka ng kabuuang mga bayarin para sa isang buong term.

  • Ang Term 1 ay karaniwang mula Setyembre hanggang Disyembre
  • Ang Term 2 ay karaniwang mula Enero hanggang Marso
  • Ang Term 3 ay karaniwang mula Abril hanggang Hunyo

Karaniwan ang mga bagong mag-aaral sa ibang bansa ay magsisimula sa amin sa pagumpisa ng term ng Setyembre na siya na ding umpisa ng Taon sa Pag-aaral

Ang mga mag-aaral na pumapasok sa amin para sa dalawang-taong Kurso sa Pagsusulit ng GCSE para sa mga Pangkat ng Taon Ika-10 at 11 para sa mga mag-aaral na may edad 14 o 15 taong gulang….

O mga mag-aaral na pumapasok sa amin sa umpisa ng dalawang-taong Kurso sa Pagsusulit ng A-level para sa mga Pangkat ng Taon Ika-12 at 13 para sa mga mag-aaral na may edad na humigit kumulang 16, 17, 18 o 19 taong gulang…..

ay kinakailangang mag-umpisa sa term ng Setyembre o di kaya’y sila ay madedehado. Ang mga dalawang-taong kurso na ito ay magsisimula sa term sa Setyembre. Ang mga papasok sa term ng Enero ay nakalaktaw ng isang buong term at mahihirapan siyang maintindihan ang natitirang panahon ng kurso na susunod.

Ang mga mas batang mag-aaral na wala pang 14 taong gulang ay karaniwang sumasali sa amin sa pag-umpisa ng term ng Setyembre NGUNIT maaari din silang sumali sa amin sa Enero o Abril.

Mangyaring pakitandaan na ang mga nasa itaas ang aming mga inirerekumendang alituntunin. Sa mga pambihirang sitwasyon tulad ng napipintong giyera sa iyong bansa o biglaang suliraning pang-politikal, o mga partikular na pang-personal na sitwasyon na emergency, maaari naming tanggapin ang pagdating ng isang bagong mag-aaral anumang oras. Ang isang halimbawa nito ay ang Pinuno ng isang partikular na Komunidad na nangangailangang mailabas ang kanyang anak na babae sa kanyang bansa sanhi ng isang malubhang panganib sa kaligtasan na kanyang pamilya. Tumawag siya sa amin bandang alas-11 ng umaga. Nagawang makakuha ang ama, sa ilalim ng mga pambihirang sitwasyon, ng isang agarang UK Entry Visa para sa kanyang anak na babae.

Dumating siya, gamit ang kanyang sariling eroplanong jet, bandang alas-8 ng gabi ng mismong araw ng pagtawag ng ama, at walang taglay na gamit bukod sa lahat ng mga kinakailangang panggastos. Sa sumunod na araw ay tinulungan namin siyang bumili ng mga damit, tinulungan namin siyang makapag-angkop at inumpisahan niyang pumasok sa paaralan. Nanatili siya sa amin nang 4 na taon at nagkamit siya ng mga mahuhusay na resulta sa pag-aaral. Kinalaunan ay umalis siya sa amin upang mag-aral sa Unibersidad. Ikinalulugod naming ibalita na maayos na ang lahat ukol sa kanya at sa kanyang pamilya.

PANGKAT NG TAON

MGA KINUHANG PAGSUSULIT

TINATAYANG EDAD

BAYARIN SA ISANG TERM

Y1

 

5/6 taon

£6,715

Y2

Mga pagsusulit sa Key Stage 1

6/7 taon

£6,715

Y3

 

7/8 taon

£6,715

Y4

 

8/9 taon

£6,715

Y5

 

9/10 taon

£6,925

Y6

Mga pagsusulit sa Key Stage 2

10/11 taon

£6,925

Y7

 

11/12 taon

£7,995

Y8

 

12/13 taon

£8,605

Y9

Mga pagsusulit sa Key Stage 3

13/14 taon

£8,605

Y10

Pag-uumpisa ng GCSE

14/15 taon

£8,605

Y11

Mga pagsusulit sa GCSE

15/16 taon

£8,605

Y12

Sixth Form ~ A-Level

16/17/18/19 taon

£9,465

Y13

Sixth Form ~ A-Level

17/18/19/20 taon

£9,465

Ang mga bayaring ito ay may-bisa mula Setyembre 2007 hanggang Agosto 2008

Ang aming mga mag-aaral ang aming mga pinakamagagaling na ambassador

Ang Queen Ethelburga’s ay isang masaya at lumalagong paaralan kung saan ang mga mag-aaral ay binibigyan ng isang plataporma ng edukasyon upang magtagumpay, mula sa mga pinakabatang edad hanggang sa Pagsusulit sa GCSE Examinations, Pagsusulit sa A-level at kinalaunan pa. Ang lahat ng mga mag-aaral ay hinihimok na magkaroon ng pansariling kaisipan, pagsusumikap at kumpyansa.

Sanhi ng aming mga mahuhusay na pasilidad at tagumpay, maaaring sumobra ang mga nagnanais na pumasok sa aming mga klase. Kung nais mong ipasok ang iyong anak sa amin, maging sa lalong madaling panahon o matapos ang isang taon o dalawa, ipinapayo namin na paki-rehistro mo ang iyong anak sa amin sa lalong madaling panahon.

Ang kapaligiran ng paaralan ang may maraming masasabi ukol sa kalidad ng edukasyon na ibinibigay ng Queen Ethelburga’s. Ang aming mga pinakabatang mag-aaral mula sa ibang bansa ay 5 taong gulang at ang pinakamatanda ay 20 taong gulang. Ang lahat ng aming mga mag-aaral mula sa ibang bansa ay masaya at nagkakamit sila ng mga mahuhusay na resulta.

Sana ay nakapagbigay ang libreto na ito ng isang silip sa mga pang-araw-araw na pamumuhay ng paaralan, at sana ay bibisita kayo sa amin, habang maaari, upang makita ninyo mismo ang aming pagtuon sa kahusayan, ang aming campus, ang aming mga guro at, higit sa lahat, ang aming mga mag-aaral; pinadadaloy namin ang aming mga lakas at kadalubhasaan papunta sa kanilang tagumpay. Bilang ganti, sila ang aming mga pinakamagagaling na ambassador.

Pakitandaan na ang mga mag-aaral na hindi nakakapagsalita ng wikang Ingles ay kailangan munang makatanggap ng isang masinsinang maikling kurso sa wikang Ingles upang bigyan-daan sila na makipag-usap sa wikang Ingles. Ang mga mag-aaral na nakakapagsalita ng kaunting Ingles ngunit ang antas ng pagkakaintindi ay mahina ay mangangailangan ding makatanggap ng karagdagang tulong. Mag singil para sa serbisyong ito.

Ang mga mag-aaral mula sa ibang bansa, na nagsasalita na kaunting Ingles o hindi maruning magsalita ng Ingles, na nagnanais na magsimula sa upmipsa ng karaniwang taon ng pag-aaral as Setyembre, ay kadalasang dumarating sa England sa Hulyo at pumapasok sa isang lokal na Akademiya sa Kurso ng Wika at nanunuluyan sa isang pamilyang Inlges na magsisilbi bilang mga Tagabantay. Maaari naming maisaayos ito kung kinakailangan. Sagutin ng mga magulang ang direktang pagbabayad ng gastos ng Tagabantay at ng lokal na Akademiya sa Kurso ng Wika, at ibinibigay ito nang maaga, sa kanila. Sa paraan na ito ay ang pagkakaintindi ng mga mag-aaral ng wikang Ingles ay may sapat na kalidad upang mag-umpisang mag-aral sa amin sa Setyembre.