Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.

Boarding School sa UK - Kolehiyo ng Queen Ethelburga
Nagsasarili, Pribadong Paaralan para sa mga batang lalaki
at babae na may edad na 5 hanggang 18
Telepono: 0044 1423 333 330

Bigyan ang inyong anak ng tradisyonal na Edukasyon sa English

Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.
Maligayang pagdating
Mga Pasilidad
Lokasyon
Boarding
5 hanggang 10 taong gulang
11 hanggang 18 taong gulang
Ika-anim na Form
Mga Resulta
Anong Sunod?

Isang tradisyon ng pagiging palakaibigan,
kahusayan at pag-aaruga

Sa siyam na dekada simula nang maitatag ito noong 1912, ang Queen Ethelburga’s College ay naging isa sa mga pinaka-kilala at pinakamahusay na paaralan sa Britanya, nang may reputasyon na kinaiingitan sa buong bansa at sa buong mundo para sa pag-aaruga, pagiging palakaibigan at kahusayan.

Ang programa sa paggastos ng kapital ay nagpopondo sa isang campus na nagdudulog ng mga pasilidad na may pinakamataas na antas ng kalidad. Ang mga pamumuhunan na umaabot sa humigit-kumulang £20 milyon sa huling ilang taon lamang ay tumulong sa amin upang mabigyan ang aming mga mag-aaral ng mga bentahe na maaaring maghantong sa katangi-tanging tagumpay, mula sa mga Pentium na computer hanggang sa ginhawa ng kaalaman na mayroong isang telepono at voicemail facility sa bawad silid-tulugan.

Sa bawat taon ay patuloy naming pinapalawak ang aming mga gamit-yaman, na kinikilala ng dumadaming bilang mga mga magulang bilang isang sanhi ng pagbibigay ng di-mapantayang pagkakataon sa kanilang mga anak.

Kami sa Queen Ethelburga’s College ay naniniwala sa pagkakaroon ng isang paaralan kung saan ang bawat mag-aaral ay mahalaga; kung kaya’t kami ay hindi isang malaking paaralan, at wala kaming kagustuhan o pangangailangan na maging ganito, ngunit ang aming mga pasilidad ay walang kapantay.

Pananatili ng mga tradisyon

Sa kabuuan ng kasaysayan ng paaralan, ang Queen Ethelburga’s ay nakapagpanatili ng isang talaan ng pagkamit at nang may-ipagmamayabang base, nang bahagya, sa sistema ng “Society” o “Lipunan”. Ito ang simula nang kami ay maitatag noong 1912. Ang aming apat na “Lipunan” ay binansagan kasunod ng mga kaugnayan sa kasaysayan sa Paaralan at ang mga ito ay tinatawag na: Cantwara, Derwent, Eoforwic at Lyminge. Sa pagpasok sa amin, ang bawat mag-aaral ay sasali sa isa sa mga ito. Ang bawat isa sa mga ito ay makikipag-tunggalian sa iba pa sa larangan ng palakasan, drama at musika. Napag-alaman namin na ang sistema na ito ay humihikayat ng mga panghabang-buhay na pagkakaibigan, kagalingan sa pakikipagtunggali at kamalayan na magpatuloy. Ito ay napaka-pareho sa sistema ng mga Unibersidad sa Amerika ng pagkakaroon ng mga “bahay fraternity”.

Mayroon din kaning isang Asosasyon para sa mga nagtapos na mag-aaral. Ang Old Ethelburgian’s Association ay napakalakas at aktibo. Ang muling pagkikita ng mga dating mag-aaral ay binubuo sa Kolehiyo, sa London, sa ibang lugar sa United Kingdom at sa ibang bansa.

Ang Association ay may sarili nitong tanggapan sa loob ng Queen Ethelburga’s.

Buhay-aral- ang saya sa pagkatuto

Ang Queen Ethelburga’s ay hindi, at ni hindi rin nagnanais maging, isang malaking paaralan.

Gaya ng inyong aasahan, ang dami ng aming mga mag-aaral sa isang klase ay kakaunti at ang mga guro ay nakapagbibigay sa bawat mag-aaral ng mataas na antas na indibidwal na pagtuon. Bilang karagdagan, ang mga Pangkatang Tutor ay nagpapanatili ng matinding personal na interes sa pag-unlad ng bawat mag-aaral.

Sa aming Junior Department sinisikap naming siguraduhin na ang bawat bata ay may matatag na kaalaman sa lahat ng mga pangunahing pangangailangan patungkol sa pangkalahatang edukasyon. Habang umuunlad ang isang bata sa aming Junior Department ay napapasok namin nang mas malalim ang mga asignaturang pang-dalubhasaan.

Ang aming layunin sa unang mga taon ng aming Senior School ay ang matukoy ang bawat lakas, kahinaan at partikular na larangan ng interes ng bawat mag-aaral upang mapaglinang, katuwang ang mag-aaral at ang mga magulang, ang pinaka-angkop na hanay ng mga asignatura para sa mga pagsusulit kapag dumating ang panahon na iyon.

Ang mga mag-aaral na sumali sa amin sa pagitan ng edad labing-isa at labing-tatlo ay papasok sa isang malawakang programa ng mga leksyon na kabilang ang Wikang Ingles, Matematika, tatlong asignatura sa Agham, Musika, ang Sining, mga Linggwahe, Information Technology at ang Humanities. Kabilang din ang mga leksyon ukol sa karera (career), palakasan at pang-personal na edukasyong ukol sa lipunan/pakikipagkapwa.