Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.

Boarding School sa UK - Kolehiyo ng Queen Ethelburga
Nagsasarili, Pribadong Paaralan para sa mga batang lalaki
at babae na may edad na 5 hanggang 18
Telepono: 0044 1423 333 330

Bigyan ang inyong anak ng tradisyonal na Edukasyon sa English

Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.
Maligayang pagdating
Mga Pasilidad
Lokasyon
Boarding
5 hanggang 10 taong gulang
11 hanggang 18 taong gulang
Ika-anim na Form
Mga Resulta
Anong Sunod?

Maligayang Pagdating sa Queen Ethelburga’s College

Mga Batang Babae & Lalaki edad 5 taon hanggang 20 taon

Sa sandaling dumating ka sa Queen Ethelburga’s College mararamdaman mo na, kumpara sa iba pang mga paaralan, ito ay isang lugar na espesyal, palakaibigan at kakaiba.

Ang aming campus ay mahusay, na may hanay at kalidad ng mga pasilidad na kaunti lamang ang may kayang pumantay.

Ang mga mag-aaral sa nakaraan at sa kasalukuyan ay magkukuwento tungkol sa aming tagumpay na pagtuon sa kanila bilang mga indibidwal, ang aming nakatutuk na mga tauhan at ang pagiging ganap sa praktikal na paraan ng edukasyon na aming ibinibigay.

Ang mga resulta sa pagsusulit ay nangangahulugan na ang Queen Ethelburga’s ay may mahusay na kasaysayan ng pagiging isang Sunday Times Top School para sa pagpasa ng GCSE at A-level na pagsusulit. Naglalayon kaming bigyan ang bawat mag-aaral ng isang Edukasyon Pang-habambuhay, nang nasa ugat ang pagkamit sa pag-aaral ngunit nasa puso ang mga kakayahan sa pakikitungo at sa pamumuhay.

Bukas-palad ang Queen Ethelburga’s College sa mga mag-aaral na maninirahan sa Paaralan sa panahon ng may-pasok.

Ang aming Junior Department ay tumatanggap ng mga batang maninirahan na may edad mula 5 taon hanggang 11 taon. Ang aming Junior Department ay mas kasaysayan din bilang isang Sunday Times Top UK Preparatory School para sa mga Resulta sa Pag-aaral.

Ang aming Senior School ay tumatanggap ng mga batang maninirahan na may edad mula 11 taon hanggang 20 taon. Ang lahat ay nakikibahagi sa aming pilosopiya na ‘Maging Pinakamagaling sa Abot ng Aking Makakaya Gamit Ang Mga Talento Na Aking Taglay’ at humanap ng mas mabuting kalidad ng buhay sa paaralan bilang mga mag-aaral sa araw o bilang mga residente sa campus.

Umaasa kami na ang libretong na ito ay magbibigay sa inyo ng isang silip sa kung ano ang aming inihahandog at kung bakit lubhang matagumpay ang aming mga mag-aaral. Tinatanggap namin ang pagkakataon na personal na ipakita sa inyo ang aming Paaralan kung makakabisita kayo sa amin. Marami sa mga magulang ang nakatira nang malayo sa amin at hindi makakabisita sa amin at para sa mga iyon ay ipinapangako namin na susubaybayan namin ang inyong mga anak nang maayos at nang may pag-aruga.

Ang aming Pilosopiya

► Ang mabigyan ang lahat ng mga mag-aaral ng isang malawak at balanseng curriculum o balangkas sa pag-aaral.

► Ang tratuhin ang mga mag-aaral bilang mga indibidwal na tao.

► Ang makamit ang kahusayan sa pag-aaral.

► Ang mapaglinang ang kumpyansa sa sarili, kakayahang tumayo nang mag-isa at ang pakikipagtulungan.

► Ang maging kaugalian ang pagiging mapagtanong.

► Ang maisulong ang disiplina sa sarili at isang mataas na batayan sa pag-uugali.

► Ang magbigay ng isang masaya at nakaka-engganyo na kapaligiran para sa pag-aaral.

► Ang maihanda ang mga mag-aaral para sa mga kapaligiran sa pag-aaral at pagtatrabaho sa hinaharap.

► Ang maitaguyod at maisulong ang pag-aasikaso sa iba at ang paglinang pang-isipirtwal.

► Ang maihikayat ang kalusugan ng katawan at kaisipan.

► Ang maisulong ang kamalayan sa komunidad at daigdig.

► Ang mabigyang-kasangkapan ang mga mag-aaral ng kadalubhasaan sa teknolohiya.

► Ang makapagdulot ng isang ligtas at may-bantay na kapaligiran kung saan uusbong ang mga mag-aaral.