PUNONG GURO - STEVEN JANDRELL B.A.
Isang respetadong nagtapos ng Unibersidad ng Sussex University, mayaman si Steven Jandrell sa karanasan sa pagtuturo, pati na ang 4 na taon na pagtatrabaho sa antas ng unibersidad. Nakahawak siya ng mga matataas na posisyon bilang Bise-Prinsipal sa Akademiko, Katuwang na Pinuno at Pinuno ng Paaralang Senior bago maging Punong Guro. Ang kanyang asawa na si Margaret ay isa ding guro, silang dalawa ay may kabuuang tatlumpu’t-limang karanasan sa Independenteng Edukasyon. Nasa bungad ng makabagong-likha sa Queen Ethelburga's College, si Steven ang naging arkitekto ng marami sa mga hakbangin na nakapagpa-angat sa ating mga pamantayan at nakapagluklok sa paaralan sa kinikilalang posisyon na tinatamasa nito ngayon. Kabilang sa kanyang malawak na hanay ng mga interes ay ang: parachuting, skiing, paglalakbay, mga proyekto sa mainam na kalusugan at pagpapatayo.
Ang pinakamagandang edukasyon ay tungkol sa pagbubuo ng indibidwal na potensyal na nasa gitna ng aming kultura. Ang pundasyon na ito ang sanhi upang ang aming paaralan ay maiba; sa pamamagitan ng pagkikilala sa pagiging kakaiba ng bawat tao ay nakapagbibigay kami ng pagkakapare-pareho sa mga pagkakataon na nagbibigay-daan sa bawat bata na magkamit ng kahusayan sa kanilang sariling larangan. Naniniwala sa Ginoong Jandrell na ang pagkatuto ay dapat maging masaya at hinihikayat para sa sarili nitong mga kasayahan.
Ang magandang edukasyon ay tungkol din sa pagtataguyod ng mga espesyal na pakikitungo sa pagitan ng mga guro at mag-aaral na nagbibigay-daan sa mga batang lalaki at babae na umusbong bilang mga batang nasa wastong-edad na may kinatandaan; mga tao na may-kumpyansa nang hindi nagiging arogante, palakaibigan ngunit hindi nagtuturing, kampante ngunit hindi presko, na may lakas ng loob na manirahan ayon sa mga matatag na kaugaliang pang-moralidad, pang-lipunan at pang-isipiritwal. Naniniwala sa Ginoong Jandrell sa paghihikayat ng mga magagandang asal, paggalang, katapatan, pagkalinga at pakikisama sa pamamagitan ng hindi pabago-bagong balangkas ng dispilina at papuri. Sa aming Paaralan ang paghabol ng kahusayan ay itinataguyod ng seguridad at katatagan.
Ang matutong umako ng responsibilidad ay isang mahalagang bahagi ng buhay-pagsunod sa aming paaralan, isang larangan na malugod na isinusulong ni Ginoong Jandrell . Ang kultura dito ay naghihikayat ng mga panghabang-buhay na mga pakikitungo at ang pagkakataon na maging kasapi ng isang pinalawak na pamilya, na nagbabahagi at nagpupunyagi ng tagumpay sa pag-aaral, sa larangan ng sining at sa palakasan. Ang kapaligirang ito ay nagbibigay-daan din sa mga batang lalaki at babae na magkamit ng isang sangkap pang-ispiritwal; natutuo sila kung paano nito pinayayaman ang kanilang mga buhay at paano ito makakatulong upang maintindihan nila ang kanilang mga sarili, ang komunidad ng paaralan at ang mas malawak na mundo. Hinahangaan ni Ginoong Jandrell kung paano nagkakamit ng sari-sariling tagumpay ang mga produkto ng paaralan at sila ay naging mga nagtanda at balanseng indibidwal, na may malikhaing pag-iisip, may-paglahok at taglay ang mga kakayahan ng mga nag-aral nang buong buhay. Ang kanyang layunin para sa paaralan at ang kanyang mga kakayahan sa pamumuno ay nakatuon sa pag-iibayo ng lahat ng mga magagandang bagay sa aming Paaralan.
Ang mga magulang ng isang mag-aaral na nasa Sixth Form ay sumulat kamakailan lamang…
“Ang aming anak ay nasa inyo sa loob ng pitong taon at umunlad siya sa bawat taon. Natutuwa kami sa kanyang mga nakamit sa pag-aaral. Nasisiyahan din kami sa pangangalaga na sumusuporta sa lahat ng mga mag-aaral. Sa aming anak ay nakabuo kayo ng isang indibidwal na may samu’t-saring kakayahan at lubhang mapagkalinga. Nagkaroon ng isang patuloy na programa sa paglinang sa Queen Ethelburga’s simula nang pumasok sa paaralan ang aming anak. Ito ay hindi lamang sa mga pasilidad ngunit pati na din sa kalidad, sigla at pagtuon ng mga tauhan sa pagtuturo. Sa mula ay maraming salamat sa inyo–ang nakaraang pitong taon ay lubhang nakakasiya at nakatutuwa.
G. & Gng. Peters