Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.

Boarding School sa UK - Kolehiyo ng Queen Ethelburga
Nagsasarili, Pribadong Paaralan para sa mga batang lalaki
at babae na may edad na 5 hanggang 18
Telepono: 0044 1423 333 330

Bigyan ang inyong anak ng tradisyonal na Edukasyon sa English

Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.
Maligayang pagdating
Mga Pasilidad
Lokasyon
Boarding
5 hanggang 10 taong gulang
11 hanggang 18 taong gulang
Ika-anim na Form
Mga Resulta
Anong Sunod?

Ano ang dahilan kung bakit espesyal ang QE?

Brian R Martin FBIM. FInstD. FFA.
Chairman ~ Senior Charitable Trustee

Noong 1990 ako at ang aking pamilya ay lumisan mula sa Thorpe Underwood Hall upang bigyan-daan ang Kolehiyo na lumipat mula Harrogate at manatili doon. Mula noon ang aming Pundasyon sa Kawang-gawa (Charitable Foundation) ay namuhunan, at patuloy na namumuhunan bawat taon, ng mga malakihang halaga ng kapital para sa mga bagong gamit-yaman. Kung gayon, masasabi bang ang paglaki ng Kolehiyo nang higit sa doble at ang pagiging napaka-matagumpay nito pagdating sa pag-aaral ay sanhi ng mga mahuhusay na pasilidad na napapakinabangan ng aming mga mag-aaral? Ang aming mga pasilidad ay bahagi lamang ng kasagutan. Sa nakaraang mga taon ang aming malaking pamumuhunan sa mga bagong gamit-yaman para sa pag-aaral, paninirahan at paglilibang ay nagbigay-kasiguraduhan na ang aming mga mag-aaral ay taglay ang bawat pagkakataon upang maging matagumpay, at higit sa 97% ang nakakakuha ng puwesto sa Unibersidad. Nakakalugod na ang aming Kolehiyo ay may kasaysayan ng pagiging isang Sunday Times Top UK School para sa mga resulta ng pagsusulit sa GCSE at A-level.

Habang sinisigurado na ang aming mga pasilidad ang pinakamahuhusay naging maingat din kami at sinigurado din namin na hindi nawala ang akit na taglay ng isang lumang bahay sa probinsya. Maraming mga magulang ang nagulat nang makita na ang aming mga silid-aralan ay ganap na naka-carpet at ang lahat ng mga kasangkapan sa silid-aralan ay pasadyang ginawa para sa amin. Tama lamang na taglay namin ang reputasyon na ang aming pasilidad sa paninirahan at pangangalaga ang pinakamahusay sa lahat ng mga independenteng paaralan sa Europa.

Para sa aming mga mag-aaral na mahilig sa mga kabayo walang iba pang independenteng paaralan ang may kasing-laki at kasing-kagilas-gilas na Equestrian Centre. Ang kakayahan ng mga manunuluyan na madala ang kanilang kabayo sa paaralan ay naging sanhi upang maakit sa aming Kolehiyo ang mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Kung kaya’t samantalang totoo na ang aming mga mag-aaral ay hindi nagkukulang sa kahit anuman, mayroon pa ding iba pang bagay na bumubuo ng aming espesyal na kultura. Siguro ito ay dahil hindi kami malaking paaralan at ang bawat mag-aaral ay itinuturing na isang indibidwal. Maraming mga magulang ang natutuwa at nagsasabing ang aming sentido-kumong lapit sa pang-araw-araw na pangangailangan at adhikain ng aming mga kabataan ay kakaiba sa pare-parehong lapit ng ibang mga paaralan.

Ang aking asawa at ako ay nakatira sa campus at ang aking tanggapan ay bahagi ng isang lugar na kung tawagin ay Central Management (Sentrong Pangasiwaan). Mabilis na napag-aalaman ng mga bagong mag-aaral na ako ang matangkad at malaking mama na may makulay na waistcoat at wing collar shirt (de-kwelyong kamiso) at ang aking asawa ang babae na taglay lahat ng mga asong Labrador! Habang ang aming buhay mag-asawa ay hindi na maiaalis sa pamumuhay ng paaralan, napapansin namin na ang pangangalaga at pagtuon na ipinapakita ng lahat ng mga tauhan. Marahil ang pagkakaiba ay ang aming mga tauhan ay talagang may-pakialam sa kung ano ang nangyayari sa aming mga mag-aaral. Kung kinakailangan, ang isang makatuwiran at makatarungang pagdidisiplina ay nagbabalik sa isang magulong bata sa tamang landas. Sa iba pang araw ang isa sa mga tauhan ay magkukusang-loob upang makatulong kung saan man kinakailangan ang kanyang tulong.

Napapanatag ang loob ng mga magulang at mag-aaral kapag malaman nila kung gaano kadali makipag-usap sa mga tauhan. Ako ay nasisiyahan na ang aming koponan ay nagsusumikap upang makipagtulungan sa mga magulang. Ang puno’t-dulo nito ay ang komunidad ng Queen Ethelburga’s College ay isang pamilya. Bilang isang paaralang nakatuon sa pamilya lubha naming ipinagmamalaki ang aming mga bata. Ginagawa namin ang abot na makakaya para sa kanila. Ibinubukod namin sila kung kinakailangan at kami ay nagagalak kapag nakikita naming nagtatanda ang mga bata at nagpapatuloy sila sa mas malawak na mundo bilang mga may-kumpyansa at matagumpay na mga nasa wastong edad. Ang subukan na bigyang-kahulugan ang aming kultura sa mga partikular na saklaw ay halos imposible. Sapat na sigurong sabihin na ang pagiging medyo kakaiba at napaka-espesyal ay may taglay na magandang epekto para sa aming mga mag-aaral.

Brian R Martin
Principal Trustee (Punong Katiwala)
Chairman of Governors (Punong-Silya ng mga Gobernador)

May magulang na lumiham:
“Tila mayroon kayong kagalingan sa patanggap ng mga bata na may karaniwang talino at pina-uusbong ninyo sila sa pag-aaral upang maging kabilang sa mga pinakamagagaling”