Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.

Boarding School sa UK - Kolehiyo ng Queen Ethelburga
Nagsasarili, Pribadong Paaralan para sa mga batang lalaki
at babae na may edad na 5 hanggang 18
Telepono: 0044 1423 333 330

Bigyan ang inyong anak ng tradisyonal na Edukasyon sa English

Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.
Maligayang pagdating
Mga Pasilidad
Lokasyon
Boarding
5 hanggang 10 taong gulang
11 hanggang 18 taong gulang
Ika-anim na Form
Mga Resulta
Anong Sunod?

Bakit ka pupunta sa England at sa Queen Ethelburga’s para sa iyong edukasyon?

Ang mga mag-aaral mula sa ibang bansa na sumasali sa amin ay karaniwang napakabilis na nakakapag-angkop at nagiging masaya. Siyempre kung ang iyong anak ay nakapaglakbay na sa iba pang mga bansa sa kanilang buhay ay sanhi ito upang sila ay magkaroon ng mas malaking kumpyansa sa sarili.

Ang mga magulang na nakatira sa labas ng United Kingdom ay may iba’t-ibang mga dahilan para sa pagpili ng isang edukasyong Ingles para sa kanilang mga anak sa Queen Ethelburga’s. Marami ang nagtuturing na ang mga pamantayan ng Ingles sa edukasyon ay mas mataas at ang edukasyon ay may malayong mas mataas na kalidad kaysa sa maaari nilang makuha sa kanilang lugar. Maraming mga magulang ay naghahangad na ang kanilang anak ay maging ganap na matatas sa ibinibigkas at isinusulat na wikang Ingles. Ang ilan ay naghahangad na ang kanilang anak ay makapasok sa isang mahusay na Unibersidad na Ingles at napagtatanto nila na ito ay magiging lubhang mas madali kung sila ay pinag-aral sa England. Ang isang maliit na bilang ay sumasali sa amin para lamang sa aming mga pasilidad sa pangangabayo (Equestrian).

Ang ilan sa mga magulang ay nakatira sa mga bansa kung saan ang politikal na klima ay hindi kasing-tahimik gaya ng nais nila o di kaya’y hindi kasing-ligtas gaya ng nais nila para sa kanilang mga anak. Ang ilan sa mga magulang ay tanyag sa kanilang sariling bansa sa iba’t-ibang mga dahilan, at nais nilang maituring nang normal ang kanilang anak, na maaaring hindi pwedeng mangyari sa kung saan sila nakatira. Ang ilan sa mga magulang ay pumipili ng isang edukasyong Ingles sapagkat naniniwala kami sa isang buo at totoong pag-uugali sa pagtatrabaho kung saan ang aming mga anak ay nagkakamit ng mga mahuhusay na resulta sa pagsusulit at kailangan nilang magsumikap.

Ang ilan sa mga magulang ay naghahangad na ang kanilang mga anak ay maging “westernised”. Ayaw nilang mawala ng kanilang mga anak ang kanilang sariling pang-personal na basehan sa kultura ngunit napagtatanto nila na sa pang-internasyonal na komunidad sa pagnenegosyo, ang kakayahang maintindihan at kumilos nang maginhawa at nang may-kumpyansa sa harap ng iba pang mga taga-kanluran ay magbibigay sa kanilang anak ng isang natatanging bentahe sa paglaon.

Ang Ingles ay sinasalita bilang isang wika sa buong mundo. Ang makapagsalita at makaintindi ng Ingles ay hindi ang mahalagang isyu. Kung nais mo ito, madaling makakapag-aral ang mga bata ng wikang Ingles sa kanilang sariling paaralan o di kaya’y sa pamamagitan ng pribadong pagtuturo kung saan ka nakatira. Bagamat ang lapit na ito ay magbibigay sa iyo ng isang bahagi ng iyong hinahanap, hindi ito ibibigay sa iyo ang lahat.

Ang mga Ingles ay maaaring maituring ng ibang mga tao bilang isang kakaibang lahi ng mga tao. Mayroon kaming isang demokratikong sistema ng gobyerno ngunit hindi kasing-hayagan o ipinamamayagpag tulad ng sa Amerika. Ang tamang paraan ng Ingles ay ang makamit ang mga bagay nang tahimik, nang walang masyadong abala at maging kagalang-galang. Ang isang totoong taong Ingles ay magalang at tahimik. Ang katatawanag Ingles ay bihirang naiintindihan ng sinuman mula sa buong mundo maliban kung nanatili sila nang ilang taon sa England. Bilang buod maiitindihan mo lamang nang maayos ang pamumuhay ng mga Ingles kung ikaw ay nanatili sa England sa loob ng ilang mga taon.

Ang pagsali ng iyong anak sa amin para sa dalawang taon ng Sixth Form bago pumasok sa Unibersidad ay mainam at makakamit nito ang malaking bahagi ng nais mo para sa kanila. Subalit marami sa mga magulang ay pinapadala ang kanilang anak sa Queen Ethelburga’s kapag ang mga ito ay 8 taon, 11 taon o 13 taong gulang. Kapag mas mahaba ang panahon na itinagal ng isang bata sa amin ay mas mahusay ang kanilang makakamit at magiging mas kapaki-pakinabang ang karanasan sa kanila sa paglaon.