Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.

Boarding School sa UK - Kolehiyo ng Queen Ethelburga
Nagsasarili, Pribadong Paaralan para sa mga batang lalaki
at babae na may edad na 5 hanggang 18
Telepono: 0044 1423 333 330

Bigyan ang inyong anak ng tradisyonal na Edukasyon sa English

Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.
Maligayang pagdating
Mga Pasilidad
Lokasyon
Boarding
5 hanggang 10 taong gulang
11 hanggang 18 taong gulang
Ika-anim na Form
Mga Resulta
Anong Sunod?

Isang malawak na pagpipilian ng mga A-levels ang maaaring mapag-aralan sa Sixth Form

Kung ikaw ay nasa A-level Sixth Form ng Queen Ethelburga’s ikaw ay karaniwang mag-aaral ng apat o limang pormal na asignaturang A-level. Kung ikaw ay nasa Collegiate Faculty Sixth Form ng Queen Ethelburga’s maaari kang mag-aral ng mga bokasyonal na A-levels, na mga kursong nakatuon sa karera na maaari mong maidagdag sa isa pang A-level o hanggang sa tatlong AS Levels. Mayroong mga espesyal na kursong Sixth Form na maaaring makuha ng mga nasa alinman sa mga Sixth Forms, kabilang ang BHSAI Equestrian Assistant Instructor’s Examination at ang Leith’s Certificate in Food and Wine.

Sa isang paaralan, ang Sixth Form ay kailangang ituring bilang isang mas espesyal at mas mataas na antas kaysa sa iba pang mga form. Naniniwala kaming tama ito. Kapag narating mo ang Sixth Form ikaw ay isang tao na dapat na tingalain ng mga mas batang mag-aaral. Ang buhay para sa isang nasa Sixth Form dito sa campus ay katulad ng kung ano ang magiging buhay sa Unibersidad. Ang mga nasa Sixth Form ay may sarili nilang mga pagpupulong, ang kanilang sariling mataas na kalidad, air-conditioned na Common Room, bagong eksklusibo na Gymnasium at hiwalay na panunuluyan. Para sa mga mag-aaral sa Sixth Formmayroong lugar para sa paninigarilyo, na maaari nilang magamit kapag may nakasulat na pahintulot mula sa kanilang mga magulang, at maaari nilang magamit nang regular ang isang propesyonal na solarium, sauna at Jacuzzi, at ang lahat ng mga ito ay nasa kanilang sariling lugar ng panunuluyan.

Mayroong isang malawak na hanay ng 2 2 magkakaibang asignatura sa A-level ang inihahandog:

► Art & Design

► Information & Communication Technology (ICT)

► Biology

► Mathematics

► Business Studies

► Further Mathematics

► Chemistry

► Modern Languages - French/German/Spanish

► Design Technology

► Music

► Economics

► Perform ing Arts

► English Language

► Photography

► English Literature

► Physics

► Fashion & Design

► Psychology

► Geography

► History

Paggabay sa Sixth Form

Ang bawat mag-aaral sa Sixth Form ay may isang personal na tutor na kanyang kinakatagpo nang isang beses sa isang linggo. Ang mga suliranin ay nilulunasan bago pa maging isyu ang mga ito; ang pag-unlad ay patuloy na sinusubaybayan at inihahambing sa mga layunin, at ipinapatupad ang paghihikayat, mga taktika at istratehiya upang makamit ang hanggang sa abot ng makakaya. Ang paggabay na ito ay napatunayang lubhang napakabisa sa paninigurado na makamit ng mga mag-aaral ang higit sa kanilang mga inaasam. Karaniwan ay 80% sa lahat ng mga mag-aaral ang kumukuha at pumapasa ng apat o higit pang mga A-levels at 90% ang nakakapasok sa una nilang pinili na unibersidad. Ang mga mag-aaral na nagtatapos sa amin ang nagsasabi na ang kanilang matibay na kaugalian sa pagtatrabaho at mataas na nakamit ay sanhi, sa malaking banda, ng Pagpapayo sa Sixth Form.

Mga Kabayo sa Sixth Form

Ang pagsasama ng Pag-aaral sa Pangangabayo sa BHSAI (BHSAI Equestrian Studies) sa A-levels, o ang Leith’s Cookery Course, ay isang popular na pinipili, at inihahandog ng Kolehiyo ang isa sa mga pinakamahuhusay na Equestrian Centres sa Europa para sa mga mag-aaral na nagnanais na kunin ang opsyon na ito. Maaari ka ding mag-aral ng Equine Management NVQ 1, 2 & 3. Marami sa mga mag-aaral na nangangabayo ang nagdadala ng kanilang kabayo sa Kolehiyo, o di kaya’y umuupa ng isang kabayo ng Kolehiyo, o bumibili ng kanilang sariling kabayo at pinanatili sa United Kingdom sa tagal ng kanilang dalawang-taon na programa sa pag-aaral.

Ang pinagpipitagan, £3-milyon na Royal Equestrian Centre ay naghahanda sa mga mag-aaral sa lahat ng antas para sa kakayahan na mangabayo nang may kumpyansa, at nagbibigay ito ng primera-klaseng pagtuturo para sa pagtagumpay sa mga pagsusulit ng British Horse Society. Ang lahat ng mga pagtuturo ay isinasagawa ng mga propesyonal na kwalipikadong guro na aprubado ng British Horse Society.

Kabilang sa mga pasilidad ay isang malaking panloob na arena at mga may-ilaw, malalawak at panlabas na all-weather arena. Mayroon ding mga matataas na kalidad ng mga may-bubong na kuwadra para sa higit sa 185 na kabayo o batang kabayo, na may mga lugar para sa farrier at veterinary at kuwadra para sa mare at foal. Tatlong mga cross-country courses, isang all-weather half-mile cantering at jumping track at siyam na malawakang may-ilaw ba all-weather outdoor paddocks ang kumukumpleto sa tunay na kamangha-mangha na Equestrian Centre na ito.

Mga Bokasyonal na kurso sa Sixth Form

Bilang isang moderno at sumusulong na paaralan, kinikilala ng Queen Ethelburga’s recognises na ang pag-aaral sa Sixth Form A-level ay maaaring hindi makapagbigay ng pinakamainam na resulta sa pag-aaral. Ang mga tatahaking karera na mas mabuting matutustusan ng mga partikular na kurso ay mahusay na naihahatid ng Queen Ethelburga’s, at kakaunting mga paaralan ang makapaghahandog ng mas malawak at mas mapag-angkop na pagpipilian ng mga pag-araral sa Sixth Form.

►Mga Kurso sa Pundasyon sa Pagnenegosyo ( Business Foundation) (Bokasyonal na A-level)

Maaaring pagsamahin ng mga mag-aaral ang BHSAI Equestrian studies at ang isang mataas na kalidad na kursong bokasyonal na A-level para sa Pagnenegosyo. Maaari ding magdagdag ang mga mag-aaral ng iba pang mga kurso na may kinalaman sa computer sa kanilang programa.

Ang Queen Ethelburga’s Collegiate Foundation ay ang tanging independenteng Kolehiyo na nakapaghahandog ng natatanging pagkakataon na ito upang pagsama-samahin ang BHSAI Equestrian studies, RSA Computer studies o iba pang mga espesyalistang pag-aaral tulad ng Sining at Disenyo, mga Wika, Musika at Drama. Maaari din, kung pinapayagan ng pagtatakda ng panahon, na kumuha ang isang mag-aaral ng mga karagdagang asignatura sa pag-aaral o mga muling pagkuha ng pagsusulit, alinsunod sa pagtatalakay sa Headmaster.

Ang tagumpay ay maaaring makamit sa maraming mga larangan

Ang Leith’s Cookery Course

Ang Queen Ethelburga’s ay ang sentro sa UK para sa tanyag sa buong mundo na Leith’s Cookery Course, na malayo sa lumang Domestic Science. Ang mga mag-aaral ay tinturuang mag-budget para sa, maghanda at magplano ng mga paghahain para sa pagtanggap ng bisita at ang kurso ay maaaring mapag-ibayo ng mga pagbibisita, pagpapakita, pagtikim ng alak atbp. Ang Sertipikong makakamit ay tinatanggap sa buong mundo at kinikilala ng Leith’s International Cookery School.

Maaaring kunin ng mga mag-aaral ang kurso na ito nang kasama ang mga A-level, kung papayagan ng pagtatakda ng panahon.

Maraming mga mag-aaral mula sa ibang bansa ang idinadagdag ang kurso na ito sa kanilang programa para sa kasiyahan. Ito ay nagbibigay sa kanila ng pahinga mula sa mga pag-aaral at nagbibigay din sa kanila ng pagkakataon upang mapaglinang ang kanilang mga kakayahan sa pagluluto para sa kinalaunan.

Malawak na pagpipilian na may mga magagandang tanawin sa karera

►Paglilibang & Turismo (Bokasyonal na A-level)

Naghahandog kami ng isang maunlad na dalawang-taong kurso ng GNVQ sa Paglalakbay at Turismo (Travel and Tourism) na maaaring makatulong sa mga mag-aaral na makamit ang isang primerang-klaseng karera sa kagiliw-giliw na larangang ito. Ang lokasyon sa heograpiya ng Collegiate Faculty ay nakakatulong nang malaki. Kami ay nasa gitna ng kilala sa buong mundo na siyudad ng York at ang magandang bayan ng Harrogate. Nasa paligid namin ang mga primera-klaseng halimbawa ng mga lugar sa libangan at turismo , na aming pinagsasama-sama sa aming mga pag-aaral.

►Mga Pag-aaral ng Fashion & Pagkamalikhain (Bokasyonal na A-level)

Ang kinikilala sa buong bansa na kwalipikasyon na it, na inaaral sa aming bagong lipon na Fashion and Textile, ay nagtuturo sa mga mag-aaral ng mga paraan upang mapunta sa harap ng mabilis na kumikilos na industriyang ito. Natututo sila kung paano bumuo ng mga kagiliw-giliw na mga kasuotang tela mula sa kanilang mga sariling ganap na disenyo sa pag-aaral, magputol ng mga padrino at gumawa ng mga kasuotan sa pamamagitan ng kanilang mga piniling pagbibigay-kahulugan. Tumutulong din sila sa mga Fashion Show upang magkaroon ng sariling ideya sa mga praktikal na pagsasakatuparan ng trabaho ng fashion.

Sa kanilang pag-alis sa amin sa pagwawakas ng Sixth Form, ang mga mag-aaral ay nakakatanggap ng liham na ito 

Queen Ethelburga’s College
Thorpe Underwood Hall
York. Y026 9SZ. England

Mahal na

Dumating na ang panahon upang ikaw ay lumisan sa Sixth Form ng Queen Ethelburga’s at humayo sa mas malawak na mundo. Ginagamit ng lahat ng mga Gubernador at tauhan ng Kolehiyo na ito ang pagkakataong ito upang maghangad ng pinakamaganda para sa iyong kinabukasan. Habang ikaw ay umuunlad, walang duda na ang mga magkakaibang tao at sitwasyon na iyong kakaharapin ay mangangahulugang kailangan mong magsagawa ng mga pagpapasya. Ang mga pagpapasyang ito ay maaaring makaapekto sa iyong karera, sitwasyon sa pera, kalusugan, mga pakikitungo at ang kabuuang daan sa buhay na tinatahak. Gawin mo ang iyong sariling mga pagpapasya. Huwag mong hahayaang hatakin ka ng iba upang magsagawa ng isang pagpapasya na alam mo ay mali, gaano man ito kadali o nakakatukso.

Hindi maiiwasan na maaaring magkaroon ng mga panahon kung kailan nakakalito ang mga pagpipilian o ang mga sitwasyon o di kaya’y magkakaproblema ka, makakagawa ng isang pagkakamali na hindi madaling lunasan o gawin, o di kaya’y masangkot sa bagay na talaga namang walang katuturan.

Sa mga panahon na iyon ay sana’y dumulog ka sa iyong mga kapamilya at kaibigan para sa tulong, suporta at payo. Kung sa anumang dahilan ay hindi ito maaaring maisagawa, ay nagnanais ang Kolehiyo na, mula ngayon hanggang sa umalis ka sa Unibersidad, edukasyon o hanggang sa iyong ika-21 taong kaarawan, alinman ang mahuli, tumanggap ng isang tawag sa telepono mula sa iyo na sa amin ipapataw ang singil, anumang oras sa gabi o araw, mula sa anumang bahagi ng mundo. Nagnanais din kaming maihandog ang mga serbisyo ng aming mga College Solicitors para sa pagpapayo sa alinmang bagay na may kinalaman sa batas, nang walang gastos.

Walang kinalaman kung anuman ang maging problema. Walang anumang kung gaano kalala na ang mga bagay-bagay. Ako, sampu ng aking mga tauhan, mga kasosyo sa negosyo o mga kaibigan at kapareha mula sa iba’t-ibang larangan, ay tutulong sa iyo nang walang palya. Magugulat ka kung ano ang aming makakamit nang mabilisan at nang hindi nahahalata, kung mayroon mang pangangailangan.

Ang mga sumusunod na taon ng iyong buhay ay ang mahalaga. Tandaan mo na kung ang lahat ay mabigo, narito kami. Hindi kami magugulat, maiinis, madidismaya o magagalit – at kami AY tutulong. Ibibigay ko sa iyo ang ilang mga numero ng telepono na maaari mong gamitin upang tawagan ako o ang aking mga pinagkakatiwalaang kasamahan, 24 oras isang araw, 365 taon sa isang taon, mapasaan ka man. Mangyari lamang na bumalik ka at katagpuin kami. Sana’y palarin ka at sana’y samahan ka ng iyong Diyos.

Nang may katapatan,

Brian R Martin FBIM., FInstD., FFA
Chairman