Sixth Form - isang espesyal na panahon
Ang huling taon ng pag-aaral sa aming Paaralan, na sumasaklaw sa mga mag-aaral sa Ika-12 at 13 na taon, ay tinatawag na Sixth Form. Ang dalawang-taon na panahon na ito ng pag-aaral ay humahantong sa kahuli-hulihang lipon ng mga pagsusulit na kung tawagin ay A-levels. Kapag natapos nila ang Sixth Form ang mga mag-aaral ay maaari nang magtuloy sa Unibersidad. Ang Sixth Form sa Queen Ethelburga’s ay lubhang mas higit pa kaysa sa isang dalawang-taong kurso sa mga pagsusulit ng A-level. Panahon na upang buuhin ang tulay mula kabataan hanggang buhay ng isang nasa wastong gulang, mula paaralan hanggang mas mataas na edukasyon at isang karera.
Panahon na upang kaharapin ang isang mas malalim na pagkakasangkot sa lokal na komunidad at ang matutunan na pahalagahan ang mga karapat-dapat na pribilehiyo, maging ang pag-ako ng mga karagdagang papel sa pagpapatakbo ng paaralan at ang pagsasaayos ng mga aktibidad sa House. Naghahandog kami ng isang malawak na hanay ng mga kurso sa pagsusuri sa A-level, at ang lahat ng mga ito ay nangangailangan ng mataas na antas ng pagtuon, kagustuhan na magsaliksik ng impormasyon at isang tunay na interes sa asignatura.
Karaniwan ay nagpapasya ang mga mag-aaral na kumuha ng apat o limang pag-aaral sa A-levels. Kabilang sa mga popular na pagpipilian, bukod sa mga karaniwang asignatura na dati nang inaral sa GCSE, ay ang Pag-aaral sa Pagnenegosyo (Business Studies), Sining Pagtanghal (Performing Arts), at ang pagsusulit sa pangangabayo sa BHSAI ng Stages I, II, III at PTT. Ang lahat ng mga mag-aaral ay nag-aaral din ng mga “Mahahalagang Kakayahan” o “Key Skills” ng Information Technology and Computing, Application of Numbers at Communication. Ang mga kamakailan-lamang na kumuha ng Sixth Form ay nagpatuloy upang pumasok sa Oxbridge at maging iba pang mga kilalang Unibersidad. Ang Kolehiyo ay may kaugnayan sa maraming mga unibersidad sa UK at sa ibang bansa, at halos lahat ng aming mga mag-aaral sa Sixth Form ay nagtatapos upang kumuha ng kurso sa unibersidad o sa mas mataas na edukasyon.
Inaasahan namin ang mga mag-aaral sa Sixth Form na mag-aral nang mabuti at binibigyan namin sila ng pagtuturo sa mga maunlad na kakayahan sa pag-aaral at isang hanay ng mga materyales na gamit-yaman. Ang pagpayo ukol sa mga karera ay isang nakatakdang-panahon na paksa at ganap na tinatalakay ang pagpipili ng mga kurso sa unibersidad, mga pamamaraan sa pagpapanayam at ang pagsusulat ng mga entrance form sa Unibersidad. Ang lahat ng aming mga mag-aaral sa Sixth Form ay hinihikayat na lumahok sa Young Enterprise Business Management Scheme at sa Duke of Edinburgh Award Scheme.
Malinaw na inaasahan namin na ang aming mga mag-aaral sa Sixth Form ay magkaroon ng isang maayos na kamalayan sa responsibilidad, kesyo mas maaga nilang sinimulan ang kanilang karera sa pag-aaral sa Queen Ethelburga’s o lumipat sila sa amin mula sa ibang mga paaralan. Sa bawat taon humigit-kumulang kalahati ng mga mag-aaral na pumapasok sa aming Sixth Form para sa dalawang taon ng pag-aaral ay nanggagaling mula sa iba pang mga paaralan sa United Kingdom at mula sa iba pang bahagi ng mundo. Ang aming Sixth Form ay lumaki na sanhi ng tatlong pangunahing dahilan.
Ang una ay mayroon kaming mahusay na kasaysayan sa pagbibigay-kakayahan sa aming mga mag-aaral upang magkamit ng mahuhusay na resulta sa pagsusulit at sa gayon ay makapasok sa mga pinakamagagaling na Unibersidad sa United Kingdom o saan mang iba pang lugar sa mundo. Ang ikalawang dahilan ay ang paraan kung paano namin tratuhin at subaybayan ang ganitong edad ng mag-aaral. Itinuturing namin silang mga kabataang nasa wastong gulang at hindi tulad ng mga batang-batang mag-aaral. Binibigyang-halaga nila ito at ang resulta ay gumagaling sila. Ang ikaltong dahilan ay ang panunuluyan na aming inihahandog para sa kanila ay simpleng pinakamahusay sa Europa. Walang iba pang Paaralan o Kolehiyo ang makakapantay kahit bahagya lamang sa antas ng kaginhawaan at kalidad na aming ibinibigay.
Nakatatanggap kami ng mas maraming mga application mula sa mga bagong mag-aaral na nagnanais sumali sa aming Sixth Form kaysa sa bilang ng mga maaaring makuha na puwesto. Palaging binibigyang-halaga ang mga mag-aaral na mayroong magandang ipinakita sa pag-aaral sa kanilang nakaraang paaralan.
Pagiging responsable at pagka-engganyo sa buhay
Ang mga mag-aaral sa Sixth Form ay nagsusuot ng madilim na business suit na kanilang pinili sa panahon ng pag-aaral. Kabilang sa mga pribliehyo ang paggamit ng isang silid sa pag-ehersisyo na may maraming mga kasangkapan at isang mga espesyal na pasilidad na pang-silid para sa lahat.
Sa umaga tuwing linggo, maaaring pakinabangan ng mga mag-aaral sa Sixth Form ang lugar sa pag-relax na nasa tabi ng swimming pool matapos ang agahan para sa isang mapaglibang na pagbabasa ng dyaryo o upang magsulat ng ilang mga personal na liham, at maaari din nilang gamitin ang sauna at mga solariums sa lugar.
Ang isang matatag na Sixth Form ay isang tatak ng isang matagumpay na paaralan at patuloy na dumarami ang bilang ng mga mag-aaral sa aming Sixth Form.
Ang mga lugar sa panunuluyan sa Sixth Form ay may mahuhusay na pasilidad, kabilang ang mga silid-aralan sa pag-aaral na may mga pasilidad para sa paggawa ng tsaa, direktang mga telepono para sa pag-dial palabas at papapasok, voicemail, palamigan, radyo, tape, CD music centre, at telebisyon at video na kontrolado ng timer. Mayroon ding isang banyo na may Jacuzzi at hiwalay na silid-aralan na may mga stand-alone Pentium multi-media computers.
Mayroon ding mga malalaking kusina at mga sala na may komportableng upuan, 20-channel satellite TV at video. Maraming mga dyaryo at magasin ang laging magagamit.
Matapos ang isang maghapon ng seryosong pag-aaral ito ay isang perpektong lugar upang mag-relax, at habang sumisikat ang araw, masarap gamitin ang isang malawak na balkonahe na tumatanaw sa ibabaw ng aming Equestrian Centre at ang malawakang mga lupain.
Mayroon ding kagiliw-giliw na pagtatakda ng mga pagbisita sa labas ng campus paputna sa teatro, ballet, mga art gallery at museo. Madalas ang mga pagbisita papunta sa o ng ibang mga paaralan para sa mga aktibidad sa palakasan, pakikipagkapwa at kultura.
Pagpipino, postura at layunin
Ang aming curriculum ay naglalayon na maidulot ang ‘polish’ o ‘pagpipino’, na malaki ang naitutulong sa tagumpay sa kinalaunan. Ang mga kakayahan sa pakikipagkapwa at pakikitungo ay karaniwan sa mga paksa na, katuwang ang saganang mga aktibidad sa pakikipagkapwa, ay nagbibigay sa bawat mag-aaral ng isang mahusay na pagkakataon upang mapag-ibayo ang kanilang mga nakamit sa pag-aaral. Ang kumite sa paaralan ay nagsasaayos ng mga kaganapan sa mga paaralan at mga lokal na base sa pagsasanay kung saan sila ay sinasamahan, ngunit hindi sinasakal, ng mga tauhan.
Ang Sixth Form sa Queen Ethelburga’s ay ang pagwawakas ng isang karera ng mag-aaral sa paaralana, isang espesyal na panahon, na natatandaan ng may katuwaan ng lahat ng mga nagtapos sa Queen Ethelburga’s.