Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.

Boarding School sa UK - Kolehiyo ng Queen Ethelburga
Nagsasarili, Pribadong Paaralan para sa mga batang lalaki
at babae na may edad na 5 hanggang 18
Telepono: 0044 1423 333 330

Bigyan ang inyong anak ng tradisyonal na Edukasyon sa English

Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.
Maligayang pagdating
Mga Pasilidad
Lokasyon
Boarding
5 hanggang 10 taong gulang
11 hanggang 18 taong gulang
Ika-anim na Form
Mga Resulta
Anong Sunod?

Thorpe Underwood Hall

Sa gitna ng aming magarang campus, kumpleto ng lahat ng mga modernong kasangkapan, ay ang Thorpe Underwood Hall. Kami ay nakapuwesto sa pagitan ng bayan ng Harrogate at ang siyudad ng York. Sa loob ng higit na 1,000 taon ay mayroong gusali sa aming puwesto.

Noong 1292, nanuluyan ang Monastery of Fountains Abbey sa Thorpe Underwood Hall, ang lugar na pinili ng Abbot at ng kanyang mga mongha sanhi ng pagiging kalmado nito. Ang isang makasaysayang bilugin na anyo ng tubig, na ngayon mahusay nang ibinalik sa dating anyo, ay matatagpuan pa din. Ginamit ng mga mongha na dulot nito upang laging magkaroon ng pagkain para sa kanila at para sa mga bisita nila.

Noong ika-19 na siglo, ang tanyag sa buong mundo na manunulat na si Anne Brontë ay nanirahan at nagturo sa House sa loob ng mahabang panahon. Matapos ang isang mapinsalang sunog noong 1895, itinatag ng napakatanyag na mang-gugusali na si William Aneley ng York ang gusali sa kasalukuyan, na dinisenyo sa estilong Tudor. Ang Royal Architect na si Walter H. Brierley, ay nanalo ng premyo sa pag-arkitekto para sa kanyang pag-disenyo ng gusali ng Hall na ating ginagamit sa kasalukuyan.

Marami sa mga haliging oak mula sa lumang gusali ay naisalba mula sa malaking sunog at ginamit sa pangunahing bulawagan, at marami sa mga likhang-bato ay inaakalang nagmula sa Roma. Para sa mga mahihilig sa kasaysayan at mga magagandang gusali, ang Thorpe Underwood Hall ay kilala sa buong mundo at kadalasan ay tumatanggap kami ng mga bisita mula sa ibang bansa na nag-aaral ng buhay ng manunulat na si Anne Brontë.

Ang campus sa Thorpe Underwood Hall Estate ay nakalatag sa isang malaking saklaw ng magandang lupain sa probinsya ng England at kabilang dito ang isang nakapaloob, napapaligiran ng pader, ‘sikretong’ hardin, isang pormal na hardin ng rosas na may isang fountain, at malalawak na saklaw ng mga luntiang lupain. May isang pangkat ng mga hardinero ang nagpapanatili sa magandang kundisyon ng buong lugar.

Bilang pundasyon para sa isang masaya at ligtas na kapaligiran, kakaunti ang nakakatumbas sa campus ng Thorpe Underwood Hall.

Marapat ding matandaan na sapagkat kami ay malayo sa lahat ng krimen at kasamaan na karaniwang iniuugnay sa mga malalaking lungsod. Maraming mga magulang mula sa ibang bansa ang pumipili sa amin para sa mismong dahilan na ito. Ang aming campus ay ligtas at protektado. Ang aming mga mag-aaral ay mas malabong masasangkot sa mga problemang matatagpuan sa ibang mga paaralan.

Gaano ba ito kadali marating para sa iyo?

Madala kaming mararating sa pamamagitan ng KALYE, RILES & HIMPAPAWID.

Ang mga mag-aaral ay dumarating sa amin mula sa lahat ng bahagi ng UK at mula sa ibang bansa.

► KALYE ● 10 minuto - A1 (M) ● 15 minuto - York/Harrogate ● 30 minuto - Leeds ● 35 minuto - M1/M6

Mula sa A1(M)

Lumabas mula sa A1(Msa sa junction 47 na may posteng York/Harrogate . Bagtasin ang A59 ( York) nang 3 milya bago kumaliwa sa B6265 (Boroughbridge). Bagtasin ang B6265 nang 1½ milya at antabayanan ang poste ng QE sa kanang bahagi. Kumanan dito at bagtasin ang kalye nang 1 milya (mag-ingat sa mga makikitid na liko at kasalubong na sasakyan) hanggang sa dumating ka sa pangunahing paradahan ng sasakyan (Gate B).

MULA SA YORK

Lumabas sa York sa A59 at sundan ang mga paskil para sa Harrogate. Magpatuloy nang humigit-kumulang 9 milya. Sa kaliwang banda ay naroroon ang mga serbisyong A59 (Little Chef/Q8 petrol station). 1½ milya matapos ang mga serbisyo, sa kanang banda ay may kanto sa B6265 (Boroughbridge). Kumanan ka at bagtasin ang B6265 nang 1½ milya at at antabayanan ang poste ng QE sa kanang bahagi. Kumanan dito at bagtasin ang kalye nang 1 milya (mag-ingat sa mga makikitid na liko at kasalubong na sasakyan) hanggang sa dumating ka sa pangunahing paradahan ng sasakyan (Gate B).

► Mayroong mga direktang pang-internasyonal na flight sa

Leeds/Bradford (Kami ay 30 minuto lamang mula sa paliparan na ito)

Liverpool (Kami ay 100 minuto lamang mula sa paliparan na ito)

London (Kami ay 110 minuto lamang mula sa paliparan na ito)

Manchester (Kami ay 75 minuto lamang mula sa paliparan na ito)

Newcastle (Kami ay 100 minuto lamang mula sa paliparan na ito)

Maaaring mag-ayos ang Kolehiyo ng transportasyon mula sa o papunta sa lahat ng mga himpilan ng tren.

► RILES

(York InterCity) ● 100 minuto-London ● 100 minuto-Manchester ● 150 minuto-Edinburgh

Kami ay nasa Yorkshire…

Sa loob ng higit sa 2000 taon ang Yorkshire ay naglakas-loob na maging kakaiba. Dati ay isang sarili nitong kaharian, ang pinakamlaking county sa England ay hindi pa napakakawalan ang pagiging espesyal nito. Ang isang "kadakilaan na hindi mo makikita sa iba pang lugar", ang kapangyarihan ng kasaysayan nito at ang pagmamalaki nito sa mga mamamayan nito ang sanhi upang ang lugar na ito ay isang lugar kung saan hindi talaga sapat ang 'karaniwan' lamang. Ang Yorkshire ay "pinakamagandang nakakahimok". Ang mga matataas na damuhan, mga burol na sagana sa mga puno at mga luntiang lupain sa probinsya ang pumapaligid sa mga abbeys at kastilyo, mga malalaking bahay at hardin. Ang tatlong Pambansang Lansangan: ang Yorkshire Dales, ang Peak District at ang North York Moors ay pumoprotekta sa higit sa 1000 kuwadrado milya ng di-mapapantayang tanawin sa probinsya.

Wala nang makakatalo sa walang kakupas-kupas na pag-akit ng baybaying-dagat. Ang mga ginintuang dalampasigan, mga magagandang bangin at mga Dakilang pook-pahingahang British. Buhay na buhay ang Scarborough, Bridlington at Cleethorpes; ang Whitby ay isang makasaysayang daungan at ang Filey at Hornsea ay mga tradisyonal na paborito at ipinagmamalaki nilang manatili nang ganoon. Ang kadakilaan ng Yorkshire ay "nakakahimok". Ang Brontes of Haworth. Ang yumaong Manunula na si Laureate Ted Hughes. Ang iskultor na si Henry Moore. Ang artist na si David Hockney. Ang tagakatha ng musika na si Delius, mga magagaling na choirs at ang pinakamagaling sa mundo na mga banda ng brass. Ang lahat ay may sarili nilang mga adhikain.

Ang adhikain ng Yorkshire ang nagbago sa mundo. Natutunan ni Captain Cook ang kanyang mga kakayahan sa Whitby at lumayag siya sa buong mundo sa isang may patag na sahig na barkong Yorkshire collier. Si William Wilberforce ay nanggaling mula sa Hull upang wakasan ang pag-aalila. Ang South Pennines ang pinagmulan ng Industrial Revolution at ang kapangyarihan ng aming industriya ang naging sanhi upang maging isang pandaigdigang lakas ang Britain. Ang York, balwarte ng mga Romano at kabisera ng mga Viking, ay isa sa mga pinakadakilang siyudad mediaeval ng Europa. Ito ay din ay puno ng estilo at masaya