Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.

Boarding School sa UK - Kolehiyo ng Queen Ethelburga
Nagsasarili, Pribadong Paaralan para sa mga batang lalaki
at babae na may edad na 5 hanggang 18
Telepono: 0044 1423 333 330

Bigyan ang inyong anak ng tradisyonal na Edukasyon sa English

Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.
Maligayang pagdating
Mga Pasilidad
Lokasyon
Boarding
5 hanggang 10 taong gulang
11 hanggang 18 taong gulang
Ika-anim na Form
Mga Resulta
Anong Sunod?

Kami ang mas mainam na pagpipilian sapagkat….

Hindi praktikal na ipadala ang iyong anak sa isang Paaralan sa England na hitik sa mga bata na nagmula sa ibang bansa sapagkat hindi sila makakapaghalubilo sa sapat na dami ng mga batang Ingles upang makinabang sa karanasan ng pagpunta sa isang paaralang Ingles.

Kawangis nito ang pagpapadala ng iyong anak sa isang Paaralan sa England kung saan mayroon lamang kakaunting bilang ng mga bata na nagmula sa ibang bansa ay hindi mainam para sa iyong anak sapagkat mararamdaman niyang siya ay nakabukod at mararamdaman nilang hindi sila masyadong umaangat. Ang mga tauhan at sistema ng Paaralan ay wala ding sapat na karanasan upang maayos na matustusan ang mga magkakaibang pangangailangan ng mga bata mula sa ibang bansa.

Sa Queen Ethelburga’s College lagi naming hinahanap ang tamang timpla sa pagitan ng mga batang Ingles at ng mga bata mula sa ibang bansa. Sa ilang Pangkat ng Taon ang bahagian ng mga mga-aaral na Ingles ay karaniwang tatlong-ikapat at ang isang-ikapat ay binubuo ng mga mag-aaral mula sa ibang bansa habang sa ibang pangkat ng taon ang bahagian ay karaniawng magiging kalahating Ingles at kalahating mula sa ibang bansa.

Ang pagtutuon ng pansin na ito sa pagpapanatili ng isang magandang timpla ay kapaki-pakinabang sa lahat. Mayroong higit sa sapat na mag-aaral na Ingles upang siguraduhin na makukuha ng iyong anak ang sagad na pakinabang sa kanyang pagpunta sa England. Mayroon ding iba pang mga mag-aaral mula sa ibang bansa na katulad ng iyong anak, upang hindi nila mararamdamang sila ay nakabukod o nag-iisa.

Ang Queen Ethelburga’s College ay nagkamit ng reputasyon sa buong mundo ng pagiging unang pagpipilian para sa maraming mga magulang na naghahangad ng pinakamahusay para sa kanilang mga anak. Dahil dito maaari din kaming maghandog ng isang malawakang hanay ng mga iba’t-ibang kultura upang magbigay ng tunay na pang-internasyonal na pagkakakilanlan.

Kabilang sa mga magulang ng mga mag-aaral na nagmumula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo na nag-aaral sa Queen Ethelburga’s ay mga Pang-internasyonal na Negosyante, Diplomat, kamag-anak ng Hari’t Reyna, Politiko, Abogado, Duktor, Pambansang Pinuno, tauhan ng United Nations, at Mataas na tauhan ng Gobyerno at Militar. Lahat sila ay nagpasyang piliin ang aming Paaralan sapagkat: nagkakahalo-halo ang lahat ng mga batang ito, namumuo ang mga panghabang-buhay na mga pagkakaibigan at nagkakakilala sila na napatunayang naging lubhang makapangyarihan at kapaki-pakinabang para sa kanila sa pagtagal.

Sanggunian para sa mga Edad at Taon

Titulo ng Taon

Tinatantyang Edad

Iskedyul ng Pagsusulit

Taon 1

5/6 taong gulang

 

Taon 2

6/7 taong gulang

Mga pagsusulit sa Key Stage 1

Taon 3

7/8 taong gulang

 

Taon 4

8/9 taong gulang

 

Taon 5

9/10 taong gulang

 

Taon 6

10/11 taong gulang

Mga pagsusulit sa Key Stage 2

Taon 7

11/12 taong gulang

 

Taon 8

12/13 taong gulang

 

Taon 9

13/14 taong gulang

 

Taon 10

14/15 taong gulang

Mga Taon na pang-GCSE

Taon 11

15/16 taong gulang

Taon 12

16/17 taong gulang

Ikaanim na Antas ng Form A

Taon 13

17/18 taong gulang