Ilan sa mga pasilidad sa aming campus
► Isang Computing, Business and Media Centre na may 56 Pentium multimedia computers, direktang ISDN Internet access at mga laser printer. Isang Business Studies Centre na may patuloy na balita ukol sa negosyo at mundo na pinasasariwa sa pamamagitan ng satellite. Lugar para sa editoryal at paglalathala para sa newspaper/magazine journalism at production.
► Isang Sixth Form common room na may ganap na air-conditioning, upuang yari sa balat, dobleng malalaking telebisyon, sound system na may 8 speaker, Music System, dobleng e-mail / mga computer, telepono, palamigan, mga pasilidad para sa mga maiinit na inumin at mga dishwasher.
► Lugar para sa karera, na kumpleto sa nilalamang may kaugnayan at pang-kaalaman bukod sa Pentium multimedia computer na maaaring mapuntahan ang ganap na impormasyon ukol sa mga karera at kurso sa unibersidad. Ang tulong/paggabay ng mga tauhan ay magagamit bawat araw sa buong linggo. Kasapi ng ISCO.
► Aklatan ng Sovereign na may mga pader na yari sa kahoy na oak (na tinatauhan ng isang permanenteng librarian) na kamakailan-lamang ay pinag-ibayo sa pagbili ng higit sa 3,500 bagong mga librong sanggunian at mga multimedia computer. Hiwalay na silid-aralan para sa mga hindi pa nasa sixth form, na may upuang katulad ng sa unibersidad.
► Pribadong silid-aralan para sa Sixth Form na may upuan para sa apatnapung mag-aaral sa isang anyong aklatan sa unibersidad. Pormal na silid-kainan na may mga pader na yari sa kahoy na oak para sa pagkain ng mga nasa Sixth Form, mga gabi ng talumpati, na may magandang kisama na yari sa Wedgwood plaster at mga place settings na yari sa pilak para sa limampung mag-aaral at mga bisita.
► Malawak at ganap na may-ilaw na paradahan para sa 350 sasakyan.
► Drama Centre/Brontë Hall – may upuan para sa 200, at taglay ang isang entablado, de-koryenteng kortina, ganap na pailaw para sa teatro, sound system na may kakayahan para sa radio-mike, kakayahan para sa closed-circuit video production at ganap na panonood sa colour monitor para sa mga manonood, ito ay air conditioned, sound proofed, at may electronic control centre.
► Modernong kusina at pangunahing lugar para sa pagsilbi ng kainan. Lutuan ng pizza sa loob. Araw-araw na pagpipilian ng dalawang maiinit na pagkain, mga pagkain para sa vegetarian at malaking pagpipilian ng salad. Regular na mga pananaliksik kung ano ang popular, at kung ano ang hindi, na sinisigurado na ang menu ay kasiya-siya at sari-sari.
► Pook-kainan at ice cream parlour na may propesyonal na kusina para magamit ng mga tauhan at mag-aaral o ang pagluto ng mga espesyal na pagkain para sa mga gabi ng internasyonal na hapunan.
► Pook-kainan na may dalawang daang upuan ay mga pang-apatan na hiwang toaster sa bawat mesa. (Kung nanuluyan ka na sa paaralan malalaman mo kung bakit ito ay napaka-popular sa oras ng agahan). Makina para sa yelo, makina para sa malamig na tubig at microwave para gamitin ng mga mag-aaral. Komportableng upuang pang-pahingahan para sa limampu, na taglay ang pang-araw-araw na pagpipilian ng mga dyaryo at magasin. Chess at iba pang mga larong board.

► Panloob na swimming pool para sa paglilibang na laging pinaiinit sa 28°C. Maliit na water slide. Apatnapung pook-pahingahan sa tabi ng pool. Mayroon kaming mga agahan-tanghalian (brunch) sa araw ng Linggo dalawang beses sa isang term, kung saan ang mga mag-aaral ay gumigising nang tanghali at nagsasaya sa isang nilutong agahan/tanghalian na may mga laro. Mayroon din kaming isang malaking pinalobong ahas-tubig sa pool upang subukan ng mga tao kung makakasakay sila dito.
► Sauna sa tabi ng pool para sa mga nasa Sixth Form. Mayron din kaming dalawang ganap na pang-komersyong solarium, na maaaring magamit ng mga nasa Sixth Form kapag may pahintulot ng magulang.
► Isang sentro sa pag-ehersisyo na may ganap na kagamitan at labingdalawang magkakaibang makina sa pag-ehersisyo, kabilang ang isang elektronikong track para sa pagtakbo. Ang silid ay mayroon ding ganap ng mga pasilidad para sa aerobics na may pagtatanghal ng video. Bukod dito ay naghahandog kami ng pinatibay na salamin mula sahig hanggang kisame at mayroong ballet bar na may dobleng taas.
► Ang aming gymnasium ay kayang sumaklaw ng maraming iba’t-ibang mga larong-palakasan at aktibidad gamit ang lahat ng mga kagamitan na matatandaan mo mula sa iyong kabataan – wall bars, mga tali, vaulting horses atbp. Ang malaking silid na ito ay maaari ding magsilbi bilang isang teatrong may 500 na upuan at na may balkonahe.
► Ang aming bagong-tayo na may 140 upuang na teatro na dinisenyo ayon sa estilo ng unibersidad ay may taglay na komportableng upuan na may malapad na patungan para sa pagsusulat, para sa lahat. Ang malaking video projection, ganap stereo sound system, pag-ilaw, rostrum, atbp., ay nangangahulugan na ang silid na ito ay maraming mga paggagamitan– para sa pagtatalumpati ng mga taga-loob, mga bisitang mananlumpati, mga pagpupulong atbp.
► Ang Trading Post – ang tinadahan sa paaralan. Taglay namin ang isang buong hanay ng mga bago at nagamit nang uniporme at higit sa 200 sari-sari at murang mga bagay: mga panulat, papel, mga laro, laruan at isang malaking pagpipilian ng mga libro.
► Limang may-ilaw na all-weather na tennis court, na dinisenyo din upang magamit bilang tatlong mga netball court.



Karagdagagng mga pasilidad sa aming campus
► Digital na pay-phone na nakapuwesto sa buong lugar. Pasilidad para sa lahat ng mag-aaral upang magpadala sila at makatanggap ng mga fax – na partikular na kapaki-pakinabang para sa magulang na nasa ibang bansa – at upang magpadala at makatanggap ng mga e-mail.
► Science Centre na may tatlong may ganap na kagamitang laboratoryo bukod sa lugar para sa paghahanda.
► Home Economics Centre na may ganap na kagamitang maliliit na kusina. Lahat alinsunod sa internasyonal na batayan. Air-conditioned.
► Higit sa 40 na iba pang may matataas na antas na lugar para sa gamit-yaman at pagtuturoa.
► Ang campus ay may isang mataas na pader na may nagkakandadong mga gate sa lahat ng mga pasukan. Mayroong proteksyon ng closed circuit TV para sa aming buong lugar. Mayroong higit sa 350 panlabas na ilaw na nanantiling nakabukas sa LAHAT ng oras ng kadiliman. Sa ganitong paraan ay maipagpapatuoy ng aming mga mag-aaral ang kanilang mga gawain sa campus, nang kontento sa pagkaalam na lubhang pinahahalagahan namin ang kanilang kaligtasan.
► Hiwalay na bus/coach park para sa lahat ng mga bus ng paaralan at ng mga coaches ng mga bumibisitang paaralan. Maaaring tumanggap ng 15 ganap na coaches, na may zebra crossing at lugar para sa pagkolekta ng pasahero. Ganap na may ilaw.
► Apat na ganap na may-ilaw na sports pitches, dalawang may-ilaw na all-weather basketball/netball courts, dalawampung may-ilaw na rounders/cricket practice nets, isang may-ilaw na track para sa pagtakbo at tatlong may-ilaw na volleyball courts, may-ilaw na mga football, cricket, hockey pitches.
► Ang Collegiate Club: bar para sa mga nasa Sixth Form upang magamit nila sa mga pakikipagsalamuha at sa iba pang mga kaganapan sa loob; ito ay mahusay na sinububaybayan. Para din sa mga magulang/bisita sa mga malalaking kaganapan at kumperensya.
► Ang lahat ng mga silid-bihisan ay alinsunod sa mga ganap na batayan ng sports club. Mga showers na may maraming mainit na tubig. Ang bawat silid-bihisan ay mayroon ding sarili nitong toilet.
► Language Centre. Laboratoryo sa wika na ganap na kontrolado ng computer para sa labing-walong tao. Multimedia computer para sa pagkatuto ng wika at sanggunian. Ang lahat ng mga silid-aralan ay nakakatanggap ng iba’t-ibang mga pagsasahimpapawid ng wika sa satellite mula sa ibang bansa nang sabay-sabay.
► Art Centre. Lugar para sa computer-aided design, iba pang mga lugar para sa pagpipinta, iskultura, paglilitrato, atbp.
► Panlabas na chess at mga draughts games sa mga lupain. Mayroon ding croquet sa Secret Garden.
► Chapel na may upuan para sa 200. Isang sentro para sa pang-umagang pagpulong at pagsamba.
► Music Centre. Silid-aralan sa keyboard na may 18 indibidwal na mga keyboard, music studio para sa pag-ensayo, pag-aaral at pag-record. Ensemble Room para sa gawain ng maliit na pangkat at pagtuturo. Maraming mga silid-ensayuhan. Sentrong tanggapan para sa musika.
► Isang ganap na may kagamitang sentrong pang-medikal na tinatao ng isang nursing sister.
► Isang fleet ng maayos na pinananatili at modernong mga school bus, na may seat belt para sa lahat ng mga pasaher.
► Isang moderno, at malawakang sistema ng pag-alarma ng sunog na may smoke detectors/heat sensor sa BAWAT silid-aralan, silid-tulugan, cupboard, pasilyo atbp.
► Isang makina para sa barya para sa mga telepono, isang makina para sa selyo ng koreo, tuck shop at mga makina para sa mga malalamig na inumin, tagapisa ng mga aluminium na lata para sa recycling pang-palikasan.
► Bully Box. Mayroon kaming isang Saligan ng mga Mag-aaral at ang lahat ng mga tauhan ay patuloy na naka-antabay para sa anumang senyales ng bullying o pagkakaya-kaya, kahit na bihira lang mangyari ito. Natutuklasan ng mga mag-aaral na madaling makausap ang mga tauhan at ang minsanang pangyayari ay naaayos sa pamamagitan nito. Ang bully box ay nakapuwesto nang hindi halata upang maaaring maglagay ang mga mag-aaral, nang hindi sila nakikilala, ng isang paunawa upang sabihin kung ano o sino ang nagbibigay ng problema sa kanila.
► Helicopter Landing Pad.


