Ang pinakamagandang panunuluyan sa Europa
Mataas na kalidad ng kapaligiran
Ang pamumuhunan sa kalidad ay lubos na sumasaklaw sa aming kapaligiran sa panunuluyan. Namuhunan na din kami ng mga milyon sa paninigurado na ang mga pasilidad sa panunuluyan sa Queen Ethelburga’s ay isa sa mga pinakamagaling sa Europa. Ang aming mga boarding house ay sumasalamin sa mga tahanan ng pamilya; at totoo nga naman, gaya ng sinabi ng isang magulang sa amin:
'ang silid-tulugan ng aking anak na lalaki sa paaralan ay lubhang mas maayos kaysa sa kanyang silid-tulugan sa bahay .
Ang kalidad ng mga pagkain at ang personal na pagkapribado ay mga larangan din na naniniwala kami na lubhang mahalaga.
Sa isang di-siguradong mundo, kung saan ang mga tradisyonal na katangian ay nawawala nang nawawala sa mga nasa wastong edad, kung saan ang mga tao ay nag-aalala tungkol sa pansariling kaligtasan ng kanilang mga anak, at kung saan hindi kailanman nagkakaroon ng sapat na oras upang gawin ang lahat ng mga bagay na nais gawin ng isang magulang sa sarili niyang mga anak, nakaka-ginhawa din na makatagpo ng isang solusyon na tunay namang mabisa.
Sa nakaraang 3 taon lamang ang bilang ng mga batang babae at lalaki na nanuluyan sa amin ay tumaas nang higit sa 40%
Mga silid-tulugan sa panunuluyan... Walang makakapantay kahit kalingkingan
Ang pagkakaayos at nilalaman ng bawat silid-tulugan sa Benedict House o Abbey Chambers ay tampok ang:
Mga Silid-tulugan
► Isang dumaraming bilang ng mga silid-tulugan na en suite.
► Direktang dial-in-at -out na telepono & voicemail.
► TV/video na may timer
► Tape/radyo/CD player
► Mga pasilidad sa paggawa ng tsaa/kape
► Malaking umiikot na bentilador
► Hairdryer
► Pinaiinit na sampayan ng tuwalya
► Nakakabit na carpet sa kabuuan
► De-linyang kurtina, bukod sa lambat na kurtina
► Mga kamang Moriarti na may mga kutson na may kumpletong spring
► Palanggana sa paghugas ng kamay
► Cabinet sa banyo
► Espasyo para sa pagsampay ng damit at mga drawer
► Pansariling lugar para sa pag-aaral
► Palamigan
► Mai-aangkop na central heating radiator
► De-koryenteng bentilador para sa mga maiinit na gabi ng tag-araw
► Mga kalso para sa kaligtasan sa bintana
► Fire detector o pang-detekta ng sunog
► Orasan na nakakabit sa Pader
► Ilaw sa Mesa
► Malaking salamin
► Sapat na mga shelf
► Malaking board para sa mga poster para sa bawat bata
► Labasang-pintuan para sa sunog na may awtomatikong pagpinid
Mga Kusina/Panglahatang Silid
► Malalaking mga mesa at upuan
► Sapat na mga pinggan at kubyertos
► Microwave / Cooker
► Palamigan
► De-koryenteng kaserola
► Mga sandwich toaster
► Dalawang de-koreyenteng electric toaster
► Isang pang-pisa ng basura
► Kumpletong mga kasangkapan sa pagluluto
► Cassette player
► Radyo/CD player
► Satellite TV Video
► Maginhawang mga upuan.
Iba pang mga Kagamitan
► Labahan na kumpleto sa tauhan
► Mga videos & CD Games na pinahihiram nang libre
► Paggamit ng mini-gym
► Maraming mga pool table, flip football machines, computer at Sony Playstations (kabilang ang bagong PS2) ~ lahat ay libre.
► Silid pang-“Bola” upang maglaro
► Nakakabit na carpet
► Kagamitan sa paglalaba para sa pansariling paggamit ng mga mag-aaral
► Panlabas na pag-iilaw sa kabuuang paligid ng gusali at sa mga nakapaligid na lupain na may kaligtasan ng closed circuit TV.
Ang aming panunuluyan ay marahin ang pinakamahusay para sa anumang independenteng paaralan sa Europa. May isang pangkat ng mga manggagawa ang naninigurado na ang mga pagkukumpuni ay isasagawa sa loob ng 24-48 oras.