Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.

Boarding School sa UK - Kolehiyo ng Queen Ethelburga
Nagsasarili, Pribadong Paaralan para sa mga batang lalaki
at babae na may edad na 5 hanggang 18
Telepono: 0044 1423 333 330

Bigyan ang inyong anak ng tradisyonal na Edukasyon sa English

Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.
Maligayang pagdating
Mga Pasilidad
Lokasyon
Boarding
5 hanggang 10 taong gulang
11 hanggang 18 taong gulang
Ika-anim na Form
Mga Resulta
Anong Sunod?

Ang panunuluyan ay isang popular na pagpipilian

Ang panunuluyan sa Queen Ethelburga’s ay ang pinakamaganda….

“Simula nang ako ay dumating dito, mas maganda ang aking ipinapakita sa pag-aaral, marami akong mga kaibigan at natutuwa ako.' Batang lalaki na nanunuluyan na may edad na 17 taong gulang

“Ang lugar ay napakahusay. Ang aking silid-aralan ay talagang maganda ay magara. Ang lahat ng aking mga kaibigan ay sumasang-ayon sa akin nang bigyan namin ito ng markang 11 sa 10.” Batang lalaki na nanunuluyan na may edad na 13 taong gulang.

“Gustong-gusto namin ito!” Magkapatid na Batang Lalaki & Babae (may edad 5 at 11 taong gulang)

… at sino ba naman kami upang kalabanin sila sa mga saloobing iyon.

Mataas na kalidad
Ang panunuluyan sa ngayon ay walang itinatago. Ibig sabihin nito ay ang panunuluyan sa Queen Ethelburga’s ay isang napaka-bukas na lugar. Sapagkat maraming mga tao ang ininuturing kami bilang pinakamahusay na paaralang panunuluyan sa UK nakakatanggap kami ng mga regular na bisita: mga nagbabalak na magulang at mag-aaral, mga kasalukuyang mag-aaral at tagabantay, mga taga-inspeksyon, mga consultant, mga journalist, mga kasapi ng pambansa at lokal na gobyerno, at mga gumagawa ng mga programa sa telebisyon. Ang pagiging bukas na ito ay nangangahulugan na ang mga katangian ng Queen Ethelburga’s ay kumikinang at mahahalata ng sinuman na nagpakita ng interes sa kung ano ang inihahandog namin.

Mga pagkakataon sa panunuluhan
Ano ang inihahandog ng panunuluyan sa Queen Ethelburga’s?

Unang-una, nagbibigay kami sa mga magulang at sa kanilang mga anak ng isang malawak na hanay ng mga pagpipilian sa panunuluyan.

Ganap na panunuluyan
Karamihan sa mga batang lalaki at babae na nakatira sa ang pumipili sa opsyon na ito. Ang ganap na panunuluyan ay nagbibigay sa mga batang babae at lalaki ng pagkakataon upang manirahan sa Kolehiyo sa kabuuan ng term na iyon. Ang mga batang babae at lalaki ay maaaring bumisita sa kanilang mga magulang o mga kaanak sa salitang pagwakas ng linggo ng pasok (odd weekend) kung kinakailangan. Nakatuon kami sa pagbibibgay ng isang balanse at sama-samang buhay para sa mga dumaraming bilang ng mga batang babae at lalaki na nanunuluyan. Bukod sa paglilinang ng mga kakayahan sa pag-aaral, ang aming mga nanunuluyan ay lumalahok sa isang hanay ng mga aktibidad na kaiba sa pag-aaral tulad ng mga pagbibisita sa mga tanawing pang-turismo, pagsisine, pamimili, larong palakasan, paglangoy, sining, drama at musika.

Ang buhay talaga ay hindi nakakabagot!

Pag-aangkop, mga kaibigan at kasayahan

Lingguhang panunuluhan
Ang opsyon na ito ay magagamit lamang ng mga magulang na naninirahan na sa United Kingdom . Tampok ng lingguhang panunuluyan ang ganap na panunuluyan sa buong linggo na may pasok, na may parehong mga katangian at pagkakataon, maliban na sa bawat pagwawakas ng linggo na may pasok ang mga batang babae at lalaki ay umuuwi sa Biyernes ng gabi o matapos ang mga gawaing pang-aralin o pang-palakasan sa Sabado. Ang ilan sa mga pamilya ay nagpapasya na kumuha ng lingguhang panunuluyan sapagkat ang parehong mga magulang ay may mga nakahahamong karera. Napag-iisip nila na ang panahon na ginugugol sa kanilang mga anak sa pagwakas ng linggo ng pasok ay nagibibgay sa kanila ng pagkakataon na mag-usap at maging aktibo nang magkasama, isang bagay na hindi maaaring magawa sa mga araw na may pasok.

Ang iba ay nagpapasyang kunin ang opsyon na ito sapagkat ang katangian ng mga pang-araw-araw na paglalakbay mula at papuntang paaralan at para sa anumang mga aktibidad sa labas ng paaralan ay nangangahulugan na may labis na panahon ang gugugulin nang nakaupo sa sasakyan. Maraming mga pamilya ang nagkalkula na at binibigyang-halaga nila na ang panunuluyan, maging ganap man o lingguhan, ay ang mas mainam na pagpipilian, maging para sa budget man ng pamilya o sa paggamit ng oras.

Flexi-boarding o mapag-angkop na panunuluyan
Ang pinakabagong anyo ng panunuluyan ay ang flexi-boarding o ang mapag-angkop na panunuluyan, kung saan ang mga batang babae at lalaki at ang kani-kanilang mga pamilya ay maaaring magpasya na manuluyan kung kailan kailangan. Ang flexi-boarding ay nagbibigay-daan sa mga magulang upang malayo nang magdamag, nang kampante ang kanilang pag-iisip na ang kanilang anak ay nasa isang ligtas at mapag-arugang kapaligiran at maaari nilang maipagpatuloy ang kanilang mga interesa sa pag-aaral at sa labas ng pag-aaral. Ang opsyon na ito ay maari lamang kunin ng mga magulang na nakatira nang malapit sa Kolehiyo.

Mga anak ng mga taga-Hukbong Sandatahan
Tinatanggap namin nang bukas-palad ang mga pamilya ng mga nasa military bilang mga manunuluyan. Sapagkat ang isa sa mga sariling anak ng Headmaster ay naninilbihan sa Hukbong Sandatahan alam niya na ang mga bagay-bagay na ikinababahala ng mga pamilya na nasa Hukbong Sandatahan kung saan maaari kang mailipat nang may kaunting paunang pagbibigay-alam o walang pagbibigay-alam. Ang mga asawang babae ng mga nasa Hukbong Sandatahan ang nagpapanatili sa tahanan habang ang mga asawang lalaki ay nasa mga di-masamahang pagkakadestino. Ang paglalagak ng iyong anak sa isang paaralan kung saan ganap na nabibigyang-halaga ng Headmaster ang buhay sa Hukbong Sandatahan ay maaaring makatulong nang malakihan. Maraming mga bata sa amin ang may mga magulang na bahagi ng Hukbong Sandatahan ng bansa na kanilang tinitirahan, o di kaya’y nagtatrabaho para sa United Nations.

Mahusay na pag-aaruga, nakakabilib na mga pasilidad

Panunuluyan sa Sixth Form
Ang dumaraming bilang ng mga bata na nagpapasyang manuluyan sa Sixth Form ay ang positibong pagpili para sa isang paghahanda bago pumasok sa unibersidad. Ang aming Sixth Form ay may taglay na isang kapaligiran na naghahanda para sa unibersidad kung saan ang mga tinaguriang magulang ng bahay ay maaaring itutok ang kanilang mga lakas sa pagtulong sa mga nasa Sixth Form na maghanda para sa unibersidad at kung saan ang mga bata ay kailangang mas umasa sa kanilang mga sariling kakayahan.

Ang panunuluyan sa Sixth Form ay bumubuo ng mga magagandang pag-uugali sa pag-aaral lalo na ang paghihikayat sa sarili, pangangasiwa ng oras at pamamahala ng mga kinakailangan sa bahay. Ang tinatawag na quality time sa aming mga bahay sa sixth-form houses ay nangangahulugan din na maaaring magkaroon ng mga malalim at patuloy na pagtalakay ukol sa mga karera at application sa unibersidad. Mayroong makabuluhang patunay mula sa mga unibersidad na ang mga nanuluyan habang nag-aaral ng Sixth Form ay nagkamit ng mas magandang pag-unlad sa kanilang karera sa unibersidad. Gaya ng kinumpirma ng isang 17-taong gulang na nanunuluyan sa isang sarbey, 'Ang Panunuluyan sa Sixth Form ay isang magandang paghahanda para sa unibersidad.'

Pagpapasyang manuluyan
Ngunit bakit pa manunuluyan? Ang mga batang babae at lalaki mismo ang pinakamainam na makakasagot sa tanong na ito. Hango sa mga bagong sarbey at sa sariling karanasan sa pakikipag-usap sa mga nanunuluyan, maimumungkahi namin na maraming mga dahilan upang bigyang-halaga ang kanilang karanasan sa panunuluyan. Binibigyang-halaga nila ang mga espesyal na pagkakaibigan na kanilang nabuo sa Queen Ethelburga’s, at malamang na magiging matatalik na magkaibigan ang mga kapwa nanuluyan hanggang sa sila ay umabot sa wastong gulang at, sa maraming mga sitwasyon, panghabang-buhay.

Natututunan din nilang bigyang-halaga ang mga kalidad at katangian ng buhay sa komunidad at ang mga leksyon na natutunan ukol sa mga pakikitungo sa isang pinalawak na pamilya na katulad ng mayroon ang Queen Ethelburga’s. Natutuo silang umasa sa sarili at magkaroon ng kumpyansa.

Marami sa mga mag-aaral ang nagpapasayang manuluyan sapagkat alam nila na ang lahat ng kanilang mga interes at gawain ay makukuha sa Kolehiyo, at hindi nila kailangang maglakbay sa mga masisikip na kapaligiran sa siyudad upang mabuo ang kanilang mga interes sa labas ng pag-aaral. Maraming mga magulang ang nag-iisip na magpasya para sa manuluyan kapag, matapos na magkalkula, ay natutuklasan nila kung gaano ka-sulit ito, lalo na kung ang isa o higit pa sa mga magulang ang may mga propesyonal na karera.