Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.

Boarding School sa UK - Kolehiyo ng Queen Ethelburga
Nagsasarili, Pribadong Paaralan para sa mga batang lalaki
at babae na may edad na 5 hanggang 18
Telepono: 0044 1423 333 330

Bigyan ang inyong anak ng tradisyonal na Edukasyon sa English

Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.
Maligayang pagdating
Mga Pasilidad
Lokasyon
Boarding
5 hanggang 10 taong gulang
11 hanggang 18 taong gulang
Ika-anim na Form
Mga Resulta
Anong Sunod?

Kami ay nagbibigay-pahalaga at nag-aaruga at hindi kami nahihiyang aminin ito

Ang isang malapitang kaugnayan ang pinananatili sa pagitan ng bahay at Kolehiyo. Marahil ay maaari ka pa naming padalhan sa e-mail ng mga litrato, kung ikaw ay nakatira sa ibang bansa bilang halimbawa, ng iyong anak na gumaganap sa isang pagtatanghal, o nakikipagtunggali sa larong palakasan. Naniniwala kami na ang mataas na antas ng pangangalaga ay lubhang napakahalaga at maraming mga magulang ang nagugustuhan ang aming pagtuon sa mga maliliit na detalye upang siguraduhin na ang aming campus ay ‘ligtas’.

Sa bawat palapag, mayroong mga magiginhawang mga silid-pahingahan sa kusina na may remote control 20-channel satellite TV/video at music centre. Nagsusumikap kaming gawing tila nasa tahanan ang lahat. Maaaring dalhin ng mga batang babae at lalaki ang kani-kanilang mga maliliit na alagang hayop tulad ng kuneho, gerbil, hamster o goldfish sa Kolehiyo. (Tinatanggihan namin ang mga ahas, gagamba at iba pang mga nakakatakot na laga!)

Ngunit hindi rin sila nawawala sa sirkulasyon, ang mga batang babae at lalaki na nanunuluyan sa Kolehiyo ay karaniwang may mas maraming kasayahan kaysa sa mga uwiang mag-aaral. Bakit? Sapagkat sa tuwing pagtapos ng linggo ng pasok ay may mga aktibidad, pagbisita, kakayahang lumabas, mag-sine, ice skating, mga paglalakbay, mga pamamasyal-turista, mga theme parks ~ ang listahan, ang mga pagpipilian, ay walang hangganan.

Mayroong samu’t-saring mga pasilidad at gamit-yaman na magagamit ng lahat ng mga nasa iba’t-ibang edad.

Mayroon kaming mga panlabas na pasilidad para sa paglilibang na malapit sa bawat bahay ng panunuluyan, kabilang ang table tennis, basketball, 5-a-side football at mga pag-iihaw, bukod sa mga samu’t-saring kagamitan sa paglalaro.

Marahil ay nais nilang bumalik sa mga kuwadra at tingnan ang lahat ng mga kabayo at siguro ay mangabayo nang kaunti. Mayroon kaming isang ganap na gumaganang modernong trak ng bumbero. Oo, nilalabas din namin iyon~ nakakatuwa!

Ang aming fleet ng mga mini-bus at tsuper ay naririyan lamang anumang oras namin gustong gamitin. May mga Sulok para sa mga Alagang hayop at mayroong mga pato. May mga trampoline at isang pader para sa pag-akyat.

Maraming mga magulang ang nagbibiro na mas gugustuhin nilang manirahan sa amin sapagkat nakikita nila kung gaano kasaya ang kanilang mga anak at nais din nilang maging ganito kasaya!

Hindi naisip ng mga batang babae at lalaki na ang paaralan ay magiging ganito kasaya

Walang sinumang normal na magulang o pamilya ang makaaasang mapantayan ang aming maihahandog. Matapos ang Pag-aaral, may mga clubs at societies. Maraming mga larong pang-palakasan.

Taglay namin ang lahat ng mga pasilidad sa palakasan na nanaisin mo at may mga tinaguriang magulang sa bahay ang gustong makilaro. May isang pangkat ng mga mas bata na nais lumangoy? Walang problema, dalhin sila sa aming pinainit na panloob na pool na may water slide at malaking lumulutang na pinalobong ahas ~ siyempre ay may kwalipikadong lifesaver sa paligid. Tingnan natin kung sino ang makakayang manatiling nakasakay sa ahas at hindi mahuhulog.

Kailangan ng isang malinis na kamiseta? Walang problema. Marami kaming mga tauhan sa paglalaba na sisiguraduhin na ang mga damit at sapin sa kama ay mabilisang malalabhan at maibabalik ~ walang problema.

Nais mo bang magkaroon ng isang magandang silid-tulugan ang iyong mga anak? Ang aming mga silid-tulugan ay may taglay na disente at mahuhusay na kama na may mataas na kalidad na kutson na may mga spring. Ang kanilang sariling TV sa kuwarto at video (oo, naisip din namin iyon.) Hindi ba sila dapat natutulog na o may ibang ginagawa at hindi nanonood ng TV? ~ ang mga TV/Video ay may mga nakakandadong timer.

Nais mo bang magpalamig palagi ng “Coca-Cola”? Bakit hindi mo ilagay sa palamigang matatagpuan sa bawat silid-tulugan?

Natural lamang, ang bawat silid-tulugan ay mayroong sarili nitong telepono na may direktang pag-dial palabas at papasok at taglay nito ang voicemail messaging. Maraming mga silid-tulugan ngayon ay en suite ngunit maraming mga toilets at shower ~ walang dahilan upang manatiling madumi! Sa katunayan ay hindi pa kami nakakatagpo ng iba pang paaralan sa panunuluyan na taglay ang lahat ng mga bagay sa isang silid-tulugan tulad ng aming ibinibigay.

Ang bawat silid-tulugan ay may kakayahan na gumawa ng mga maiinit na inumin ~ tsaa, kape atbp. Ang bawat silid-tulugan ay may taglay na isang lugar upang gawin ang pansariling takdang-aralin.

Kaligtasan, kaginhawaan at pagiging praktikal na may tunay na halaga para sa pera

Ang kaligtasan, kaginhawaan at pagiging praktikal ay mahalaga. Ang bawat silid-tulugan ay mayroong isang sensor para sa sunog at apoy, may kaligtasan sa mga double-glazed na bintana, maayos na mataas kalidad na pinto para sa sunog, at siyempre naka-carpet nang buo bukod sa sarili nitong lababo na may mainit at malamig na tubig. Paano naman ang tungkol sa mga maliliit na bagay tulad ng isang pinainit na sampayan ng tuwalya at isang bentilador na nakakabit sa dingding para sa mainit na panahon? Paano naman ang tungkol sa isang radyo/tape at CD player, o di kaya’y isang hair dryer at de-motor na bentilador? Huwag nang mag-alala, mayroon ang lahat ng mga ito sa bawat silid-tulugan. Ang bilang ng mga babae o lalaki sa isang kuwarto ay nagbabago-bago~ karaniwan mula 4 pababa sa 1 o 2 (depende sa edad at pagkakaroon). 5 star na panunuluyan ~ sigurado yan!

Marahil ay nakikita mo na kung bakit maraming mga magulang at bata ang nagpapasyang kunin ang aming opsyon sa panunuluyan. Ang aming mga mahuhusay na resulta sa pag-aaral, maraming kasayahan at kagigiliwan matapos ang oras ng pag-aaral, maraming mga bagay na magagawa at masaganang mga kagamitan at pasilidad. Kung susumahin lahat, pasensyoso ngunit mabisang pangangalaga. Tatlong masusustansyang pagkain bawat araw, mga damit at sapin sa kama na malalabhan, mga oras ng pagtulog na nasusunod, takdang-aralin na maayos na nagagawa. Anumang mga aksidente o di-inaasahang pangyayari ay madaliang naaayos ng nars na nasa lugar.

Sa bahay sa mga panahon ngayon ay kadalasan parehong mga magulang ang nagtatrabho. Mas mahirap pa kung ikaw ay isang pamilya na may iisang magulang. Natural sa tao na mapagod. Ang paghahanap-buhay, pananatili ng isang bahay, pamimili ng mga bilihin, paglalaba, pagsusubaybay sa takdang-aralin, at sa kabila nito ay may lakas ka pang dalhin sila sa mga paglalakbay upang ang bawat oras ng paggising sa araw ay punung-puno ng kasiyahan at pagkatuto? Siguraduhin na naiintindihan nila na ang isang banyo ay may silbi, ang buhok ay maayos, nakumpleto na ang mga inuwing proyekto para sa paaralan ~ at may oras pang makipagkuwentuhan???? Upang makamit ito sa panahon na ito ay kailangan kang maging isang Superman o Superwoman!!

Pinatutunayan ng isang kamakailan-lamang na pag-aaral na ang pagbabayad ng dagdag upang ipagpanuluyan ang iyong anak imbes na papasukin sila bilang isang uwiang mag-aaral ay sulit sa gastos at sa makatuwid ay makakatulong pa sa iyo na makatipid sa kabuuan. Kadalasan ay nakakalimutan ng mga magulang kung ano ang kinakailangan upang panatilihin at palakihin ang isang bata sa panahon ngayon.

Ang panunuluyan ay isang napaka-makatuwirang pagpipilian. Ilang mga magulang ang nakakatuklas na kadalasan sila ay nagiging isang mistulang tsuper ng taksi para sa kanilang mga anak?

Ang aming primera-klaseng sentro na pang-medikal ay may sarili nitong pansariling banyo, mga komportableng kama at makukulay na palamuti. Ang isang ganap na kwapilikadong nars ang nakatira sa lugar. Ang parehong mga boarding house ay protektado ng mga de-kodigong kandado sa pinto at mayroong mga sistema upang maka-kontak sa telepono sa labas para sa mga bisita. Sa panahon ng mga mahahabang gabi ng taglamig ang aming buong campus ay may maayos na pagkakailaw sa buong magdamag na may nakasaklaw na closed circuit television at ang lahat ng aming mga pasukan at labasan ay awtomatikong pinprotektahan sa seguridad.

Nagibibgay din kami ng espasyo upang mapag-isa o upang magkaroon ng kapayapaan o katahimikan, at ang espasyo upang magkaroon ng kasayahan kasama ang mga kaibigan.