Panunuluyan sa Queen Ethelburga’s College
Ang Pangunahing Paaralan sa
Panunuluyan sa UK
Nakatulong si Harry Potter na siguraduhin na maging napaka-popular ang mga modernong paaralan sa panunuluyan. Ayon sa Boarding Education Alliance, ang mga pinaka-mabentang kuwento ng bata na nakatira sa isang ka-engga-engganyong paaralan para sa mga mahikero, ay nakatulong upang muling buhayin ang imahe ng mga paaralang panunuluyan.
"Ang mga libro ay nakatulong sa panunuluyan nang marahil ay higit pa sa anumang bagay na ating maiisip," ani Ann Williamson, campaign director ng BEA, na kumakatawan sa 170 na paaralang panunuluyan.
Ang mga libro ng Harry Potter, na nakapagbenta na ng maraming bilang sa buond mundo, ay ikinukuwento mula sa isang paaralang panunuluyan na punung-puno ng kaganapan at kung saan natututo ang mga mag-aaral ng mahika at naglalaro ng mga paligsahan nang nakasakay sa mga walis. Naniniwala si Ann Williamson na ang magandang balita na nagmula sa serye ng Potter ang nagdulot ng malakas na pagdami ng mga magulang at bata na ngayon ay pumipili ng opsyon ng panunuluyan.
Bakit mo pipiliing manuluyan sa Queen Ethelburga’s?
Sa mga kalilipas lamang na taon ay may nakita kaming isang kasiya-siyang pagtaas sa bilang ng mga batang lalaki at babae na may edad 5 taong hanggang 20 taon na nakatira sa amin sa panahon ng term.
Sa nakaraang tatlong taon lamang ay ang bilang ng mga batang babae at lalaki na nagpasyang manuluyan sa amin ay tumaas sa higit sa 40%.
Bakit mabisa ang opsyon na ito sa kasalukuyan para sa mga magulang at mag-aaral? Ang aming mga tinaguriang magulang sa panunuluyan at ang aming mga panunuluyan ay nagbibigay-kasiguraduhan na mayroong isang kapaligirang mapag-aruga, mapagmahal, palakaibigan at kapareho ng sa isang tahanan.
Ang mga batang lalaki ay nakatira sa Benedict House at ang mga babae ay sa Abbey Chambers. Ang aming panunuluyan ay itinuturing ng marami bilang pinakamahusay at may pinakamataas na kalidad, sa UK at maging sa Europa. Sa nakaraang walumpung taon matagumpay naming inalagaan ang mga batang nakatira sa amin sa Kolehiyo, kung kaya’t maniwala kayo sa amin kapag sinabi naming alam namin ang aming ginagawa.
Mayroong matibay na kamalayan ng pagiging isang pamilya, at ang karamihan nito ay naka-sentro sa mga kusina at silid-pahingahan, na kumpleto ang lahat ng mga pasilidad sa pagluluto, na bukas-palad na tumatanggap sa bawat uri ng pagtitipon. Ang mga tinaguriang magulang sa bahay ay kadalasang matatagpuan sa kusina kasama ang mga batang babae at lalaki na nagluluto ng mga pizza o di kaya’y nagkakape nang walang anuman.
Ang mga batang babae at lalaki na nanunuluyan sa amin ay mahusay ang nakakamit
Ang mga batang babae at lalaki na nanunuluyan sa amin ay mahusay ang nakakamit. Kadalasan ay mas magaling pa sila sa mga uwiang mag-aaral sa parehong silid-aralan at sa larong palakasan. Hindi nila kailangang gumugol ng ilang mga oras bawat araw upang maglakbay papunta at pabalik. Ang lahat na kanilang gugustuhin ay malapit lang sa kanila. Kailangan mong magsaliksik sa Internet para sa takdang aralin? Walang problema, marami kaming mga computer at siyempre pinoprotektahan sila ng aming Internet software mula sa mga di-naaangkop na web site.
Marahil ay ang dahilan kung bakit halos walang kalungkutang nadarama sa kabila nang pagkakahiwalay sa tahanan ay sapagkat napapaligiran sila ng mga kaibigan. Ang mga kaibigan ay nangangahulugang kasiyahan, aktibidad, mga bagay na gagawin. Walang oras upang mabagot.
Ang lahat ng aming mga tauhan ay may malawak na karanasan at sentido kumon, at nagdudulot sila ng isang kapaligirang mapag-aruga at mapag-surpota na nangangahulugang bawat taon ay mas parami nang paraming mga batang babae at lalaki ang nagpapasyang manuluyan sa campus. Mayroon bang isang nanggugulo o hindi marunong makisama? Walang problema ~ mabilis itong naayos, walang gulo, ipinapatupad ang maraming sentido kumon. Madiin ngunit pantay-pantay ~ mabisa ito sa halos lahat ng panahon.
Mula sa pagbangon ng lahat, paninigurado na ang lahat ay may maayos na pananmit para sa Kolehiyo at taglay nila ang lahat ng kakailanganin para sa araw, hanggang sa pakikinig kung ano ang kanilang ginawa matapos ang Kolehiyo, hanggang sa pagsigurado na ang mga may problema ay makakakuha ng tulong na kanilang kinakailangan, hanggang sa paghihikayat sa isa na panatilihing malinis ang kanilang silid, hanggang sa pagkakaroon ng oras upang ngumiti o magbiro, hanggang sa pagpapaalala sa kanila na kailangang gawin ito o iyon ~ ang aming mga tinaguriang magulang sa bahay ay pinili para sa kanilang pagiging pasensyoso, maayos na pagpapatawa, enerhiya, karanasan at sentido kumon.