Ang Preparatory Department
Ang unang bahagi ng pamumuhay sa paaralan ay isang panahon ng pagtuklas. Ang mga bata ay uhaw para sa kaalaman at pagkaintindi na siyang ibinibigay ng aming Junior Department sa isang paraang nakaka-aliw at maayos na naka-balangkas.
Taglay ng aming programa sa pag-aaral ang dalawang puntirya. Binibigyang-kasangkapan namin ang mga bata upang matuto, matuklasan at mapaglinang ang mga ideya; nagbibigay din kami ng malawakang pundasyon sa mga kinakailangang kakayahang teknikal.
Ang mga bata ay nakikinabang sa pagtuturo sa loob ng silid-aralan sa mga unang taon ng preparatory school. Ito ay nagbibigay-daan sa kanila upang makapagtaguyod ng mga matitibay na pakikitungo sa loob ng silid-aralan at magkaroon ng pakiramdam ng pagiging ligtas habang ang guro ay nakakakuha ng wastong punto de bista sa bawat kakayahan at interes ng bata; ang anumang mga problema ay matagumpay na matutukoy at haharapin habang maaga. Ang laki ng mga klase ay maliliit lamang.
Nagbibigay kami sa bawat bata ng isang malawakang pundasyon sa lahat ng mga paksang sakop ng National Curriculum o Pambansang Balangkas sa Pag-aaral , at habang ginagawa ito ay pinapaandar namin ang mga indibidwal na interes at kakayahan sa pagiging malikhain.
Ang mga bata ay nagkakamit ng mga lubhang mataas na antas sa pag-aaral ng Pranses. Ang bawat bata ay hinihimok na linangin ang kanyang sariling potensyal hangga’t sa abot ng makakaya at upang makamit ang pinakamataas na batayan sa pag-aaral na kanyang maaabot. Ang mga malikhaing pagpapakita ng mga ginawa ng mga mag-aaral sa sa lahat ng mga silid-aralan ay nagbibigay-daan upang maranasan ng mga bata ang dahilan upang maipagmalaki ang kanilang mga nakamit.
Ang aming Junior Department ay partikular na may akmang kasangkapan at mayroon itong sariling Computer Centre na taglay ang mga Pentium na computer na may mga pinakabagong software package, at ang mga bata ay nasanay nang magtrabaho gamit ang mga computer habang maaga pa sa kanilang mga karera sa paaralan, bilang isang asignatura man o bilang isang katuwang sa pagkatuto ng ibang mga kakayahan.
Ang trabaho sa paaralan ay sinusuportahan ng naangkop na mga lakbay-aral at gawaing panlabas, na maaaring maging isang simpleng paglalakad upang ang bigyang-halaga ang kalikasan sa campus ng paaralan o isang pagbisita sa isang espesyalistang aktibidad na malayo mula sa paaralan. Ang isang paglalakbay sa pag-aaral ng mga paninirahan sa kapaligiran ay isinasagawa sa bawat tagsibol, para sa mga mag-aaral na may edad sampung taon pataas.
Mga resulta sa pag-aaral na lubhang mas mataas kaysa sa pambansang promedyo o average
Mayroong sapat na pagkakataon upang mapaglinang ng mga bata ang kanilang mga kakayahan sa paglikha at upang mapag-aralan ang drama at musika, dalawa sa maraming paraan kung saan hinihikayat namin sila na lumaking may kumpyansa at ipahayag ang sarili habang lumalawak ang kanilang kaalaman at saklaw ng pinag-aralan.
Ang mga konsyertong musical at mga produksyon ng drama ay regular na itinatanghal para sa mga magulang at maraming mga mag-aaral ang sumasali sa Choir at sa Instrumental Group.
Sa edad na labing-isa, ang mga batang umaalis sa aming Junior Department ay lumilipat pataas sa College Senior Department ng Queen Ethelburga’s, upang kumpletuhin ang kanilang pag-aaral sa paaralan. Ang aming mga tauhan sa Junior Department ay ganap na kwalipikado sa panimulang edukasyong (primary education) at nakatuon sila sa pagdulot ng isang masaya at may-layuning kapaligiran kung saan maaaring umusbong ang lahat ng mga mag-aaral.
Matibay ang aming paniniwala na, kapag binigyan ng tamang kapaligiran at paghihikayat, ang bawat bata ay may kakayahang magtagumpay. Habang umuunlad ang mga mag-aaral sa paaralan, sila ay ipinapakilala sa espesyalistang pagtuturo ng asignatura.
Nagugustuhan ng aming mga tauhan ang kanilang sari-sariling asignatura at sinisigurado nila na ang mga leksyon ay nakaka-engganyo at masaya, habang hinahabol nila ang mga puntirya na lubhang mas malawak kaysa sa karaniwang junior curriculum.
Ang mga ganap at detalyadong ulat ay ibinibgay sa bawat term at ang mga magulang ay mayroon ding regular na mga pagkakataon upang makipag-usap sa bawat isa sa mga guro ng kanilang anak, upang talakayin ang pag-unlad.