Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.

Boarding School sa UK - Kolehiyo ng Queen Ethelburga
Nagsasarili, Pribadong Paaralan para sa mga batang lalaki
at babae na may edad na 5 hanggang 18
Telepono: 0044 1423 333 330

Bigyan ang inyong anak ng tradisyonal na Edukasyon sa English

Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.
Maligayang pagdating
Mga Pasilidad
Lokasyon
Boarding
5 hanggang 10 taong gulang
11 hanggang 18 taong gulang
Ika-anim na Form
Mga Resulta
Anong Sunod?

Information Technology

Ang bawat mag-aaral na nagtatapos sa aming Junior Department ay magkakaroon ng kagilas-gilas na kakayahan sa Information Technology at Computer (IT), upang pasukin ang isang mundo na humihingi ng isang pataas nang pataas na antas na kaalaman sa computer.

Namuhunan kami sa pinakabagong teknolohiya nang may mabibilis na mga Pentium sa aming napakalaking multi-media network at sa mga stand-alones sa kabuuan ng aming mga departamento sa pagtuturo. Ang aming malaki at bagong air-conditioned IT department ay ginagamit kasama ang Senior School ng Queen Ethelburga’s.

Sa mga klase ng IT ang bawat mag-aaral ay may bentahe na magamit ang isang computer para sa kanyang sarili.

Sa ilang mga departamento, at sa mga silid ng sanggunian (reference rooms), maaaring magamit ng mga mag-aaral ang Internet sa ilalim ng pagmamanman at maaari din nilang magamit ang de-kalidad na impormasyon sa CD-ROM. Mayroon kaming Pinuno ng IT Department na nagtatasa sa mga pangangailangan ng mga indibidwal at nagpaplano ng mga kurso.

Ang aming mga mag-aaral ay magkakaroon ng kumpyansa sa paggamit ng makabagong software, kabilang ang pinakabagong software sa word processing, spreadsheet at database, publishing at drawing packages, presentation software at lahat ng mga kakayahang kinakailangan upang maidulot ang gawain sa kurso sa lahat ng mga asignatura ayon sa pinakamataas na antas.

Bago
Nakapag-instala kami ng isang state of the art na koneksyong satellite Internet na may parehong kakayahan para sa uplink at downlink. Ito ay malakihang nagpapabilis sa aming mga koneksyong pang-Internet kapag maraming mga mag-aaral ang gumagamit nang sabay-sabay.

Pagsusubaybay at personal na pag-usbong

May pakiramdam ng seguridad ang nasa likod ng edukasyong pang-Junior Department ng bawat bata. Ang lahat ng mga tauhan ay kilalang-kilala nila at ang mga ito ay sumusubaybay sila sa mga gawain sa bawat araw sa isang mapagkalinga at madaling malapitan na paraan.

Maraming mga gawain at pangkat na magpapalibang sa mga mag-aaral, ngunit kung piliin nilang maglaro sa playground sa oras ng paglaro at tanghalian ay maraming maaaring gawin, habang minamanmanan ng mga guro upang siguraduhin ang kanilang mabuting kapakanan.

Ang mga pasilidad sa kainan ng aming Junior Department ay primer-klase, na may magandang pagpipilian ng pagkain sa isang malawak na bulwagan na may magandang kasangkapan. Nagbibigay din ng mga espesyal na hain kung kinakailangan.

Ang mga bata ay hinihikayat na gugulin ang kanilang oras sa produktibong paraan, at ang oras sa paglilibang ay maayos na tinutustusan sa pamamagitan ng maraming mga libro at mga nakaka-engganyong mga laro na naghahatid ng isang hanay ng alternatibo sa paglalaro sa labas.

Ang isang sistema sa pagpapahalaga ay nagbibigay-pabuya sa maayos na pagtatrabaho at pag-uugali, at binibigyang-diin namin ang mga kaugalian tulad ng katapatan, respeto, pakikisama, pagkakaibigan at mga magagandang asal.