Paghahanda para sa mundo ng hinaharap
Ang talastasan sa pagitan ng mga mag-aaral at guro ay hinihikayat sa bawat antas, at ang Punong Guro ay regular na nakikipagtagpo sa lahat ng mga mag-aaral nang sarilihan o sa pamamagitan ng mga maliliit at di-pormal na mga lingguhang tanghalian, ng nagbibigay ng sapat na pagkakataon upang maipahayag ang mga saloobin, ikinababahala at layunin.
Ang mga mag-aaral ng Queen Ethelburga’s ay tuloy-tuloy na nagkakamit ng isang mataas na antas ng tagumpay sa mga pagsusulit na kung tawagin ay GCSE (kinukuha sa Taon 11). Matapos ang mga pagsusulit na ito, ang mga kasalukuyang mag-aaral, o ang mga bagong mag-aaral na sumasali sa amin, ay nagiging bahagi ng kung tawagin namin ay ang aming Sixth Form. Ang Sixth Form ay sumasaklaw sa Taong ika-12 at ika-13. Ang mga batayang pagsusulit na kukunin ng mga mag-aaral para sa Sixth Form ay tinatawag na mga A-levels.
(Ang mga mag-aaral na interesado sa pangangabayo ay kadalasang ipinagsasama ang mga A-levels sa kurso sa pag-aaral sa pangangabayo na kung tawagin ay BHSAI).
Ang Sixth Form ay isang kakaiba namang kasiya-siya at nakakatuwang tagpo, at sa panahon na ito ang aming mga mag-aaral sa A-level ay nakakakuha ng kaalaman upang maisulong sila sa mas mataas na antas ng edukasyon at upang umako ng mas malalaking mga responsibilidad kasabay ang mas maraming kalayaan.
► Information and Communication Technology ~ ICT ~ Computing

Ang bawat mag-aaral na nagtatapos sa amin ay magkakaroon ng kagilas-gilas na kakayahan sa Information Technology at Computer (IT), upang pasukin ang isang mundo na humihingi ng isang pataas nang pataas na antas na kaalaman sa computer. Namuhunan kami sa pinakabagong teknolohiya nang may mabibilis na mga Pentium sa aming napakalaking multi-media network at sa mga stand-alone sa kabuuan ng aming mga departamento sa pagtuturo.
Sa mga silid ng sanggunian (reference rooms), maaaring magamit ng mga mag-aaral ang Internet sa ilalim ng pagmamanman at maaari din nilang magamit ang de-kalidad na impormasyon sa CD-ROM. Mayroon kaming Pinundo ng IT Department na nagtatasa sa mga pangangailangan ng mga indibidwal at nagpaplano ng mga kurso magmula sa Computer Literacy at Information Technology hanggang sa A-level Information Systems.
Ang aming mga mag-aaral ay may kumpyansa sa paggamit ng makabagong software, kabilang ang pinakabagong software sa word processing, spreadsheet at database, publishing at drawing packages, presentation software at lahat ng mga kakayahang kinakailangan upang maidulot ang gawain sa kurso sa lahat ng mga asignatura ayon sa pinakamataas na antas.
Bago
Nakapag-instala kami ng isang state of the art na koneksyong satellite Internet na may parehong kakayahan para sa uplink at downlink. Ito ay malakihang nagpapabilis sa aming mga koneksyong pang-Internet kapag maraming mga mag-aaral ang gumagamit nang sabay-sabay.
Isang edukasyon na angkop sa mundo ngayon
Ang paghihiwalay ng mga baitang ng taon sa ilang mga asignatura, alinsunod sa pangkalahatang kakayahan, ay nag-iibayo sa bisa ng mga leksyon, at, ayon sa aming karanasan, ay katanggap-tanggap sa mga mag-aaral.
Mahalaga sa amin na hindi maramdaman ng mga magulang na sila ay nababale-wala mula sa napaka-bisang mga pakikitungo sa pagtutulungan na namumuo sa pagitan ng mga guro at mag-aaral sa isang paaralan na may mataas na kalidad sa pag-aaral tulad ng Queen Ethelburga’s. Sa aming punto de bista, ang mga magulang ay isang mahalagang puwersa upang marating ng bawat mag-aaral ang rurok ng kanyang potensyal sa pag-aaral at ganap namin silang isinasangkot. Regular na tinatasa ng mga guro ang pag-unlad ng bawat mag-aaral, at sa takdang panahon ay may ibinibigay na isang serye ng mga may-gradong pagsusulit. Ang mga ito ay ibinibigay sa mga mag-aaral at sa kanilang mga magulang, upang patuloy nilang nalalaman kung ano ang nangyayari.
Sa kabuuan ng taon mayroong mga pagpupulong ng pangkat para sa taon, na nagbibigay-daan sa mga magulang na nakakadalo upang kaharapin at talakayin ang anumang mga paksa na nais nilang pag-usapan kasama ang mga tauhan sa pag-aaral. Sa pagwawakas ng karamihan sa mga term, ang mga magulang ay nakakatanggap ng isang ganap at detalyadong ulat sa pangkalahatang pag-unlad sa paaralan at sa pag-usbong ng kanilang anak sa bawat partikular na asignatura.
Marami sa mga magulang dito ang hindi nakakaalam o hindi naiintindihan ang wikang Ingles at para sa kanila ay naipapadala namin ang ulat sa term para sa kanilang anak na naka-salinwika sa kanilang sariling wika para basahin o di kaya’y naka-record sa isang tape cassette sa kanilang sariling wika upang kanilang mapakinggan. Napag-alaman namin na ang mga kakaunting mag-aaral na hindi nagtatrabaho ayon sa ganap na kanilang makakaya, ay lalong sumisipag kapag alam nila na lubos na naiintindihan ng kanilang mga magulang kung ano ang masasabi ng kanilang Paaralan ukol sa kanilang gawain sa paaralan.
Pagdating ng halos-kumulang 14 taong gulang, sa Ika-10 na taon (Year 10), uumpisahan ng mga mag-aaral ang isang partikular na panahon sa pag-aaral na tatagal ng dalawang taon upang sa pagsapit ng Ika-11 na taon (Year 11), ay kukunin nila ang mga pagsusulit na kung tawagin ay mga GCSE kapag sila ay humigit-kumulang 15 hanggang 16 taong gulang. Ang pagkamit nito ay maginhawang naisasagawa, at ang karaniwang layunin para sa bawat mag-aaral ay ang magkamit ng walong magagandang marka. Sa Ika-10 na taon (Year 10) ang pagpipilian ng mga kurso sa pag-aaral ay sinasala upang kumatawan sa mga aktwal na asignatura na kasali sa pagsusulit. Sa listahan ng mga asignaturang ito ay awtomatikong idinadagdag ang Araling Pang-relihiyon o Religious Studies, Information and Communication Technology (Computing) at Palakasan. Ang mga karagdagang asignatura na ito ay nagpapanatili sa lawak ng edukasyon na aming ibinibigay para sa bawat mag-aaral.
Kabilang din sa programa sa pag-aaral ang edukasyong Pansarili at Panlipunan na sumasaklaw sa mga paksa tulad ng paninigarilyo, mga ipinagbabawal na gamot, pakikitungo, pagpapahalaga sa sarili, mga kaugalian at problema sa pagtuturing (discrimination). Pinag-iibayo ang mga ito ng mga leksyon sa karera. Sa lahat ng mga larangan ang lapit na ito ay dinisenyo upang magdulot ng sensitibo at positibong tugon sa lahat ng mga isyu na tinalakay.
Bilang isang modernong paaralan, tinanggal na namin ang mga leksyong pang-umaga bawat Sabado upang ihanay ang gawaing pag-aaral sa mas karaniwang linggo mula Lunes hanggang Biyernes.
Ang Queen Ethelburga’s College ay may matinding pagtuon upang pakapagbigay ng edukasyon na angkop sa mundo ngayon, at nakapagsagawa kami ng isang malakihang pamumuhanan sa pagbibigay ng matataas na kalidad ng pasilidad para sa wika. Mayroon kaming multi-satellite reception, na nagbibigay-daan upang sabay-sabay na matanggap ng iba’t-ibang mga silid-aralan ang mga pagsasahimpapawid sa telebisyon mula sa mga sangkot na bansa. Mayroon din kaming isang bagong laboratoryo para sa wika.