Mga aktibidad pang-palakasan
Ang indibidwal na kahusayan at isang magandang pag-uugali bilang kasapi ng koponan ang mga pangunahing layunin sa Queen Ethelburga’s, at hinihikayat namin ang bawat mag-aaral upang lubos na pakinabangan ang aming buong hanay ng mga aktibidad sa pag-aaral, sining at palakasan.
May isang malawak na pagpipilian ng mga palakasang pang-indibidwal at pang-koponan ang nagbibigay-daan sa mga mag-aaral upang matuklasan nila ang kanilang mga sariling kagustuhan at mapaglinang ang mga kaugnay na kakayahan.
Ang paaralan ay may isang makisig na Equestrian Centre at naghahandog ito ng mga leksyon alinsunod sa ganap na batayan ng British Horse Society, mula sa mga nagsisimula pa lamang hanggang sa antas ng ganap na pagtutunggali, gamit ang mga sariling kabayo ng mga mag-aaral o ang mga kabayo ng paaralan.
Indibidwal na kahusayan at isang magandang kaugalian sa koponan
Mahusay kami sa maraming mga larong pang-palakasan at kami ang nagpapalaro para sa iba pang mga independenteng pang-pribado at pang-publiko na paaralan. Mayroon din kaming isang magandang pinainit na swimming pool para sa paglibang.
Ang aming malaking bulawagang pang-palakasan ay maaaring magdulot ng gym, badminton at maging isang malawak na hanay ng mga aktibidad sa palakasan. Marami ding mga mas maliliit na lugar ng gymnasium.
Mahuhusay na kagamitan, pasilidad at pagkakataon...
Ang aming mga pasilidad ay mahuhusay at kabilang dito ang :
► 20 may-ilaw na lugar para sa pag-eensayo sa pagsasanay ng netball / basketball
► 1 may-ilaw na sports football pitch na alinsunod sa sukat pang-internasyonal
► 1 may-ilaw na sports rugby pitch na alinsunod sa sukat pang-internasyonal
► 20 may-ilaw na rounders / cricket practice nets
► 2 may-ilaw na volleyball court para sa lahat ng panahon
► hi-tech na kagamitan para sa pagsusukat ng katayuan ng katawan
► 2 may-ilaw na sports court para sa lahat ng panahon
► 3 may-ilaw na netball court para sa lahat ng panahon
► 5 may-ilaw na tennis court para sa lahat ng panahon
► 1 may-ilaw na running track para sa lahat ng panahon
► 1 may-ilaw na football pitch na may kalahating sukat
► 4 na magkakahiwalay na fitness gymnasium
► 1 may-ilaw na cricket practice pitch
► heated indoor swimming pool
► 1 may-ilaw na cricket master pitch
► 6 electric running machines
► 2 may-ilaw na sand long jumps
► 2 may-ilaw na lugar para sa high jump
► 2 may-ilaw na hockey pitch
► 2 therapy sauna
Sa labas ng campus ay hinihikayat naming magkaroon ng interes sa mga panlabas na aktibidad at naghahandog kami ng isang espesyal na kurso sa bawat summer term para sa mga kasapi ng Taon 7 at 8, kung saan kabilang sa mga tampok ang rock-climbing, canoeing, abseiling at caving.
10 acres ng mga gamit-yaman na may ilaw
Ang mga gawaing-pagtuklas sa weekend ay naghahandog ng pagsasanay para sa gawad na Duke of Edinburgh’s Award at naghahandog kami ng mga paglalakbay upang mag-skiing sa Austria at France. Hinihikayat namin ang bawat mag-aaral upang kilalanin ang kahalagahan ng pisikal na pag-eehersisyo at ang pagkain ng wasto upang mapanatili ang isang malusog na pamumuhay.
Ang gawad na Duke of Edinburgh Award ay itinatag ng United Kingdom Royal Family. Saklaw nito ang maraming mga aktibidad na naglalayong mahikayat ang kalusugan ng katawan, kumpyansa at pamumuno.
Mga panlabas na libangan
Para sa aming mga mag-aaral, ang buhay sa Queen Ethelburga’s ay nagpapa-alab ng interes at pagka-engganyo bago idaos ang mga klase at pagkatapos ng mga ito.
Inaasahan at hinihikayat namin ang mga mag-aaral na magkaroon ng isang malawak na hanay ng mga interes, at ito ay sinasalamin ng mga clubs at societies, na pinalalawak sa malakihang paraan ang saklaw na patungkol sa lipunan, sining, palakasan at pag-aaral na inihahandog ng paaralan.
Ang aming mga karaniwang aktibidad sa palakasan at pangangabayo ay ipinaliwanag na sa ibang bahagi ng libretong ito; at sa pagpapatuloy ng tema ng pagiging aktibo, ang Queen Ethelburga’s ay may mahusay na kasaysayan ng pagkamit ng Ginto, Pilak at Tanso sa Duke of Edinburgh’s Award Scheme.
Ang Musika at Drama ay mga popular na aktibidad matapos ang pag-aaral, bilang mga libangan at maging bilang paghahanda sa maraming mga pagganap na itinatanghal bnawat taon ng mga mag-aaral ng Queen Ethelburga’s.
Ang mga pagpasyal sa mga kaganapang may kinalaman sa kultura tulad ng teatro, ballet, opera at mga konsiyerto ng orchestra ay regular na isinasaayos.
Ang mga aktibidad ng mga clubs at societies na paaralan ay may malawak na saklaw. Sining, chess, badminton, choir, computing, football, mga wika volleyball, pagluluto, pagdedebate, drama, aerobics – ang lahat ay may mga aktibo na club na may matibay na sinusuportahan, kasama ang marami pang ibang interes, mula crafts hanggang sa pagsagpi-buhay.
Ang ‘Isang Edukasyong Pang-habangbuhay’ ang aming pangunahing layunin sa Queen Ethelburga’s, at dala-dala namin ang layunin na iyon sa bawat aspeto ng aming mga aktibidad bago idaos, habang idinadaos, at matapos idaos ang mga klase.