Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.

Boarding School sa UK - Kolehiyo ng Queen Ethelburga
Nagsasarili, Pribadong Paaralan para sa mga batang lalaki
at babae na may edad na 5 hanggang 18
Telepono: 0044 1423 333 330

Bigyan ang inyong anak ng tradisyonal na Edukasyon sa English

Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.
Maligayang pagdating
Mga Pasilidad
Lokasyon
Boarding
5 hanggang 10 taong gulang
11 hanggang 18 taong gulang
Ika-anim na Form
Mga Resulta
Anong Sunod?

QE ~ itinuturing ngayon ng marami bilang Isang Sentro ng Kahusayan sa Agham

Ano ang sanhi upang maging magaling ang aming paaralan sa Agham?
Marahil ay mga mahuhusay na pasilidad? Siguradong mayroon kami nito, kabilang ang apat na state of the art, air-conditioned na laboratoryo na taglay ang isang mataas na antas ng mga pasilidad sa sa computer at teknolohiya ng interactive whiteboard. Bilang karagdagan ay namuhunan kami ng higit sa £100,000 sa mga bagong kagamitan at gamit-yaman. Ang aming may lubhang malawak na karanasan na kasapi ng mga tauhan ay may indibidwal na mga pagkadalubhasa sa mga paksa sa tatlong larangan ng Physics, Chemistry at Biology at tunay na alam nila kung paano maghikayat at maghimok ng pagtatanong.

Ano ang tungkol sa mga mahuhusay na resulta?
Ang mga resulta ng Agham sa Queen Ethelburga’s ay kakaiba. Sa Key Stage 3, ang mga pagsusulit na kinukuha ng mga mag-aaral sa Year 9 kapag sila ay 13 taong gulang, patuloy naming nakakamit ang 100% sa Level 5 at mas mataas pa. Sa katunayan 75% ang nagkamit ng Level 6 at mas mataas pa. May kawangis na sitwasyon ang lumalabas sa mga pagsusulit ng GCSE at A-level. Ang Physics, Chemistry at Biology ay lumalabas bilang mga pinaka-popular na asignatura sa A-level. Karaniwan ay 100% ang pumapasa sa A-level para sa mga Matematika at Agham at may humigit-kumulang na 70% ng lahat ng grado ang nasa A at B.

Mayroon pang ibang bagay na sanhi upang maging espesyal ang Agham sa Queen Ethelburga’s…..
Ito ang pagkahilig mismo sa Agham. Ang katunayan dito ay ang bilang ng mga mag-aaral na nagtatapos sa amin upang kumuha ng mga Degree sa Unibersidad sa mga larangan ng Pure and Applied Science. Sa mga kamakailan-lamang na taon ang aming mga mag-aaral ay kumuha ng Veterinary Science sa Cambridge, Natural Sciences sa Oxford, Cambridge at Durham, Medicine sa Newcastle at Combined Sciences sa Imperial at UCL. Ang aming Agham dito ay nakakahawa kahit na sa paglabas ng silid-aralan. Nagtataguyod kami ng isang proyektong pang-kapaligiran sa mga lugar kung saan ang mga mag-aaral ay maaaring makaranas ng totoong-buhay na Agham at ang mga epekto nito sa ating mundo. Mayroong mga Science club kabilang ang isang bagong-tayo na Astronomy club. Sa taon na ito ang aming mga batang Siyentipiko ay lalahok sa mga lokal ang pambansang eksperimento at tunggalian. Ang mga pagpupulong ng Science Society ay isinasagawa bawat buwan, at magdadala ito, gaya ng dati, ng mga tagapagsalita mula sa isang hanay ng mga larangan sa agham. Ang agham, kasama ang Matematika, ay kinasisiyahan imbes na ituring na isa lamang karaniwang asignatura sa curriculum.

Mga Taon 7 at 8
- Ang syllabus ng agham ay nakatutok sa pagtuturo sa pamamagitan ng praktikal na gawain at pagtuklas

Taon 9
- Ang mga mag-aaral ay inihahanda sa mga kakailanganin ng mga kurso sa pagsusulit ng GCSE sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kanila sa mga magkakahiwalay na agham ng Biology, Chemistry at Physics.

Mga GCSE (Taon 10 & 11)
- Ang lahat ng mga mag-aaral ay nag-aaral ng tatlong mga agham ng Biology, Chemistry at Physics bilang dobleng gawad. Ang mga resulta sa pagsusulit sa GCSE ay palaging mataas.

A-levels (Mga Taon 12 & 13)
Ang Biology, Chemistry at Physics ay maaaring matutunan bilang mga hiwalay na asignatura sa AS-level (isang taon ) at A-level (dalawang taon). Ang mga paksa sa Agham ay popular at ang mga mag-aaral ay nagkakamit ng mga matataas na resulta sa pagsusulit. Marami sa aming mga mag-aaral sa agham ang nagpatuloy upang kumuha ng mga asignatura sa agham at kaugnay sa agham sa unibersidad kabilang ang medicine, veterinary science, environmental science, chemical at electrical engineering, chemistry, biochemistry at physics.

Agham ~ Tagumpay sa Pag-aaral ~ Mga Pasilidad, Propesyonal at Nakatutok na mga Tauhan ~ Patuloy na Pamumuhunan

A-level Biology
- Nakataguyod sa kurso sa pagsusulit ng GCSE, ang A-level Biology ay naghahatid ng pagkakataon upang makakuha ng isang matatag na pagkakaintindi ng mga pangunahing prinsipyo sa biology, habang tinutuklas ang mga modernong pagsasakatuparan. Ito ay naghahatid ng isang pundasyon para sa karagdagang pag-aaral ng Biology o mga kaugnay na asignatura sa mas mataas na edukasyon kabilang ang medicine, veterinary science, environmental science, microbiology, genetics, physiotherapy, nursing, equine studies at sports science. Saklaw ng kurso ang mga molecules, cells & systems; mga pagsasakatuparan ng Biology; inheritance, evolution & ecosystems; physiology & ang kalikasan at mga pratikal na pag-eensayo.
Ang aming mga resulta sa A-level ay mahuhusay:
Na may karaniwang 50% ang nagkakamit ng mga Gradong A at B.

A-level Chemistry
- Ang mga mag-aaral ay nagkakamit ng isang umuusbong na pagsuri ng "kahulugan ng buhay, ang universe at ang lahat". Ang kurso ay isang mahalagang pangangailangan para sa mga karera sa maraming mga sangay ng pure and applied sciences kabilang ang medicine, veterinary medicine at agriculture. Ang mga konseptong saklaw ng mga pagsusuri sa GCSE level ay pinalalawak at binibigyang-diin ang pagkakaintindi at pagsasakatuparan ng mga prinsipyo. Iba’t-ibang mga pamamaraan ang ginagamit upang suriin at pag-aralan ang mga data at hypotheses kabilang ang mga praktikal na gawain at information technology.
Ang aming mga resulta sa A-level ay mahuhusay:
Na may karaniwang 85% ang nagkakamit ng mga Gradong A at B.

A-level Physics
- Ang lahat ng mga pangunahing tema na saklaw ng antas ng GCSE ay pinag-aaralan nang mas malalim at kadalasan ay mas taglay na mas mataas na nilalaman sa matematika. Ang kaugnayan ng kurso ay binbigyang-diin sa pamamagitan ng pagtingin sa mga pagsasakatuparan ng theory sa ating mga pang-araw-araw na pamumuhay. Kung kaya’t ang kurso ay magiging mapag-engganyo at mapag-hamon para sa sinumang mag-aaral na nagnanais na magkaroon ng tunay na pagkakaintindi ng pisikal na mundo at ang lipunang teknolohikal kung saan tayo ay nakatira . Kabilang sa nilalaman ng kurso ang : forces at motion; electrons at photons; wave properties; forces, fields at energy; cosmology, health physics, materials at nuclear at particle physics. Ang kurso sa A-level ay mahusay para sa mga nag-iisip kumuha ng mga karera sa medical sciences, lahat ng mga anyo ng pure science, engineering at marami pang mga applied sciences tulad ng materials technology, at electronics.
Ang aming mga resulta sa A-level ay mahuhusay:
Na may karaniwang 100% ang nagkakamit ng mga Gradong A at B.

Habang ang napakalaking lugar ng paaralan ay nagdudulot ng mga mahuhusay na tagpo para sa mga proyekto sa kalikasan at conservation, ang mga pag-aaral sa agham ay pinag-iibayo ng mga regular na pamamasyal, mga field trip at pagbisita sa mga pagbibigay-leksyon, mga observatories, museo, at mga power station. Ang aming mga mag-aaral ay lumalaban sa mga pambansa at lokal na tunggalian .

Sanhi ng aming tagumpay sa Pag-aaral, mga pasilidad, mga propesyonal at nakatutok na tauhan at patuloy na pamumuhunan, ang Queen Ethelburga’s College ay itinuturing na ngayon ng marami bilang isang Sentro sa Kahusayan sa Agham.