Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.

Boarding School sa UK - Kolehiyo ng Queen Ethelburga
Nagsasarili, Pribadong Paaralan para sa mga batang lalaki
at babae na may edad na 5 hanggang 18
Telepono: 0044 1423 333 330

Bigyan ang inyong anak ng tradisyonal na Edukasyon sa English

Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.
Maligayang pagdating
Mga Pasilidad
Lokasyon
Boarding
5 hanggang 10 taong gulang
11 hanggang 18 taong gulang
Ika-anim na Form
Mga Resulta
Anong Sunod?

Sining at Drama Pagkamalikhain at imahinasyon

Ang sinumang nag-iisip na ang Sining ay ang pagwiwisik lamang ng pintura sa papel ay nagkakamali. Sa Queen Ethelburga’s, lubos na nag-iibayo at umuunlad ang Sining sa isang mag-aaral. Pinaglilinang nito ang kakayahan na mag-isip at kumilos sa malikhaing paraan, bumubuo ng kamalayan sa pandamdam at imahinasyon sa pamamagitan ng pagtingin at pagmasid.

Kung kaya’t sa tingin namin ay mahalaga ang Sining. Pinag-aaralan ng mga mag-aaral ang mga paksa tulad ng Drawing, Painting, Printmaking, Photography, Collage, Textiles, Design, Computer at raster generated images, Sculpture, Crafts, Architecture, Model making at Constructions.

Higit sa lahat ang Sining ay nagdudulot ng pagiging malikhain, na humahawa sa napakarami pang ibang larangan ng paksa.

Ang mga klase sa drama sa Queen Ethelburga's ay nagdudulot ng isang ligtas na kapaligiran upang tuklasin ng mga mag-aaral ang mga sitwasyon, papel at pakikitungo na hango sa totoo at kathang-isip na buhay. Ito ay maaaring para sa mga layunin tulad ng pakikipagtalastasan ng mga ideya at damdamin sa isang lupon ng nakikinig, pag-iimbestiga ng mga posibleng sanhi at resulta, o ang pagtutuklas ng paggamit ng wika sa iba’t-ibang mga kahulungan.

Ang drama ay nagbibigay sa mga mag-aaral ng pagkakataon na mapaglinang ang isang hanay ng mga kakayahan tulad ng movement, mime, improvisation, play building, scriptwriting and public speaking.

Ang kakayahan na makipagtalastasan nang maayos ay mahalaga sa lahat ng mga edad at hindi nagiging mas mahalaga pa sa paglaon pagdating ng pamumuhay bilang isang nasa wastong gulang. Ang isang kasiya-siyang umpisa sa larangan na ito ay maaaring bumuo ng kumpyansa para sa ilang mga taon pang darating.

Ang pagpapahalaga sa Drama ay mahalaga din at natuklasan ng maraming mga indibidwal na ang kanilang pang-habambuhay na pagkasiya sa teatro ay nag-umpisa noong sila ay bata pa.

Ang mga mag-aaral ay hinihikayat na gumawa nang may kumpyansa at pagkasiya. Hinihimok ang pakikipagtulungan at ang bawat baitang ay nagtatanghal ng mga pagganap para sa mga iba pang mga mag-aaral sa Senior School, at sa mga magulang at kaibigan.

Sa United Kingdom mayroong mga espesyal na pagsusulit sa Drama na pinamamahalaan ng isang organisayon na kung tawagin ay LAMDA. Ang aming mga mag-aaral ay regular na nagkakamit ng mga mahuhusay na resulta sa mga pagsusulit na ito.

Choral at Musika
Pagganap ~ pakikinig ~ pagkatha

Ang musika para sa lahat ay isang pangunahing prinsipyo ng gawain ng departamento. Ang paglahok sa mga instrumental at choral ensembles ay naghihikayat ng katapatan, kumpyansa at pagpapahalaga sa kalidad. Ang lahat ng mga mag-aaral ay sumusunod ng isang kurso na nakabase sa pagganap, nakiknig at pagkatha. May isang malawak na hanay ng musikang kinakanta ang maaaring kunin ng mga nasa mula sa Taon 7 hanggang 13, na sumasaklaw ng maraming mga estilo ng musika kabilang ang: rounds, canons, folksongs, sea shanties, hymns, spirituals, show songs, rhythm and blues, classical, rock at pop.

May ilang mga mag-aaral ang nakakatanggap ng pansariling pagtuturo para sa hindi bababa sa isang instrumento, at isang malawak na hanay ng mga instrumento ay tinutugtog nang may kasayahan sa iba’t-ibang antas ng kakayahan at giliw. Ang mga mag-aaral ay hinihikayat na tumugtog sa maraming mga ensembles at pangkat. Mayroong isang magaling na choir, na kumanta na sa tanyag sa buong mundo na York Minster at Ripon Cathedral. Kabilang sa kurso sa musika ang form singing, simple composition at theory, at mayroong isang aural introduction sa music classical at modern.

Nararamdaman namin na partikular na mahalaga na ang tumutugtog at kumakanta ay dapat na makarinig at masiyahan sa mahusay na 'live' na musika kung kaya’t paminsan-minsan ay may mga bumibisitang musikero, at mayroon ding mga pagbibisita sa mga lokal na konsiyerto.

Mapalad kaming mailagay sa isang lugar na may lubhang napakaraming pagkakataon upang makapanood ng propesyonal na pagganap ng drama at musika sa mga pinakamataas na antas.

Sa United Kingdom mayroong mga espesyal na pagsusulit sa Musika na pinangangasiwaaan ng isang organisasyon na kung tawagin ay RSM. Ang aming mga mag-aaral ay regular na nagkakamit ng mga matataas na resulta sa mga pagsusulit na ito.