Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.

Boarding School sa UK - Kolehiyo ng Queen Ethelburga
Nagsasarili, Pribadong Paaralan para sa mga batang lalaki
at babae na may edad na 5 hanggang 18
Telepono: 0044 1423 333 330

Bigyan ang inyong anak ng tradisyonal na Edukasyon sa English

Edukasyon UK. Kung gusto mong makita ang site na ito sa alinman sa 35 iba pang mga wika, i-klik dito.
Maligayang pagdating
Mga Pasilidad
Lokasyon
Boarding
5 hanggang 10 taong gulang
11 hanggang 18 taong gulang
Ika-anim na Form
Mga Resulta
Anong Sunod?

Ang bawat tao ay may kakayahang mamayagpag

Pag-usbong ng karera
Taglay ng Queen Ethelburga’s ang isang ma-alam at positibong lapit para sa pag-usbong ng karera, na tumutulong sa lahat ng mga mag-aaral, sa kabuuan ng kanilang karera sa paaralan, upang magsagawa ng mga plano para sa buhay sa hinaharap base sa kanilang mga kakayahan at interes.

Ang paksa ay may sapat na gamit yaman; taglay ng aming computer database at maging ang mga aklatan sa paaralan ang malawakang impormasyon ukol sa mga karera. Ang mga talumpati at pagtatanghal ng mga tagapagsalita mula sa labas ay nagbibigay ng walang-kinikilingang impormasyon na sumusuporta sa mga talakayan na isinasagawa sa pagitan ng mga mag-aaral at guro sa mga pormal at di-pormal na paraan. Ang paaralan ay kasapi ng Independent Schools Careers Organisation, at marami sa mga tauhan ay nagsanay bilang mga Careers Advisors o Tagapagpayo sa Karera.

Ang mga pang-matagalang layunin ng mga mag-aaral ay nagiging mas malinaw na nakatutok at bumubuo ng isang malakas na basehan para sa tagumpay sa mga pagsusulit sa GCSE at A-level sanhi ng mga layunin sa karera, at lubos na naintindihan ang mga pamamaraan upang makamit ang mga ito.

Ang saklaw ng pagkatuto sa loob ng aming programa ay malawak, at sinusuportahan ng isang lupon ng mga guro na may mataas na kasanayan na siya namang sinusuportahan ng pinaka-modernong mga kagamitan, saganang supply ng mga libro at isang mahusay na aklatan at sanggunian.

Ang pamumuhunan sa mga pasilidad sa pag-aaral ay nagpapatuloy, isang tatak ng aming pagsusumikap na ipaglaban ang aming reputasyon ng pagkakaroon ng mataas na nakamit sa pag-aaral at palawakin pa ito sa hinaharap. Hindi rin tsamba na ang Queen Ethelburga’s ay may kasaysayan ng pagiging isang nangungunang Paaralan sa UK para sa mga resulta sa mga pagsusulit sa pag-aaral.

Mga Sining
Nang walang isang buhay na buhay na kultura sa sining ang buhay ay magiging mas mahirap at, sa gayon, ang mga mag-aaral ng Queen Ethelburga’s ay hinihikayat upang magkaroon ng matinding interes, gamit ang mga pasilidad na may pinakamataas na kalidad upang mapaglinang ang kanilang indibidwal na pagiging malikhain.

Kabilang sa aming sentro sa Sining at Disenyo (Art and Design) centre ang mga pasilidad para sa computer-aided graphic design at paglilitrato o photography, maging ang Fine Arts studio. Marami sa mga mag-aaral ng Sining sa Queen Ethelburga’s ang tumutuloy upang kumuha ng mga kurso sa mas mataas na edukasyon sa mga kolehiyo at unibersidad ng sining.

Ang bawat aspeto ng Musika ay tinutustusan, bilang isang patikular na lugar ng pag-aaral sa klase at indibidwal na pag-aaral at bilang isang mahalagang bahagi ng aming programa sa Dramatic Arts. Ang mga may mataas na kwalipikasyon na guro ay nagbibigay ng pagtuturo sa isang malawak na hanay ng mga instrumento. Maraming mga indibidwal na silid para sa pag-eensayo ng musika, isang laboratoryo sa keyboard at isang studio ng musika upang hikayatin ang lahat ng mga mag-aaral, maging anuman ang kanilang talento sa pag-aaral, mula sa nagsisimulang musikero hanggang musikerong marami nang nakamit.

Ang musika, ang sining paningin o visual arts at ang pagganap ay nagsasama-sama sa isang programa ng mga gawaing pang-kultura na marapat na ipinagmamalaki ng Kolehiyo. Ang isang bagong air-conditioned na drama studio ay mayroong kagamitan sa pag-iilaw at entablado na alinsunod sa mga batayan sa propesyonal na pagtatanghal, na kinukumpleto ng closed circuit television. Maaari itong agad gawing isang teatro na may 200 na upuan upang maitanghal ang mga regular na pagtatanghal ng paaralan para sa teatro at musika. Ang pag-aaral ng Performing Arts o Sining sa Pagtatanghal hanggang sa antas ng pagsusulit sa A-level ay isang popular na pagpipilian sa ilan sa aming mga mag-aaral, na nagkakamit ng mga mahuhusay na resulta.

Tradisyonal na pagtuturo na elegante at propesyonal

Ang Humanities
Binibigyang-diin sa Queen Ethelburga’s ang may makamit sa pag-aaral upang magdulot ng mga matagumpay at kasiya-siyang pagkakataon sa karera; ang lahat ng mga gawaing aralin ay may kaugnayan sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Mayroon din kaming kawangis na malawak na pagturing sa humanities, na aming pinalawak nang lubos na higit pa kaysa sa saklaw ng paksa ng Araling Pang-relihiyon o Religious Studies, Kasaysayan at Heograpiya, bagaman ang paaralan ay malapit sa ilan sa mga pinakamahuhusay na lugar ng gawaing panlabas (fieldwork sites) na pang-heograpiya at pang-kasaysayan sa bansa, ang mga mahahalagang paksang iyon ay mahusay na natutustusan.

Ang mga pag-aaral patungkol sa pinakahibla ng ating pang-araw-araw na pamumuhay ay pinasasariwa ng Business Suite. Ang lahat ng mga mag-aaral ay kumukuha ng mga klase sa Computer Literacy at Information Technology at maaari silang makakuha ng karanasan sa mundo ng pagtatrabaho sa pamamagitan ng Young Enterprise Business Management Scheme kung saan lubhang naging matagumpay ang mga mag-aaral sa Queen Ethelburga’s.

Mga wika
Ang aming sari-sari at patuloy na lumalawak na departamento ng mga modernong wika ay naghahandog sa mga mag-aaral ng pagkakataon upang mapag-aralan ang mga wika sa Europa at, sapagkat ang mga guro ay mga katutubong tagapagsalita na madalas ay tumutulong sa kanila, natututo din sila ng maayos na pagbigkas at natututunan din nilang salitain ang wika nang matatas, at nang may kumpyansa.

Ang Departamento ng mga Wika ay mayroong isang laboratoryo sa wika na sagana sa gamit yaman, mga multi-media computer, textbook, cassette, mga dyaryo at magasin.

Ang aming maunlad na satellite TV and radio receiver ay nagbibigay-daan sa paaralan upang matanggap ang iba’t-ibang mga pagsasahimpapawid sa dayuhang wika nang sabay-sabay at ibahagi nang paisa-isa ang mga ito sa mga kaugnay na leksyon sa wika. Ang pagtuturo sa wikang Pranses, Espanyol, Aleman at iba pang mga wika ay ibinibigay.

Ang mga Agham
May isang sentro ng agham na sumasaklaw sa mga departamento ng Chemistry, Physics, Biology at Psychology habang nagbibigay ng mga magkakahiwalay at may angkop na kagamitang laboratoryo para sa bawat larangan. Ang lahat ng mga tauhan sa agham ay mga gradwadong espesyalista.

Ang pag-aaral ng mga Matematika at Agham ay nakabalangkas upang ipakita ang mga kaugnayan sa pagitan ng mga ideya, pag-e-eksperimento at mga aplikasyong praktikal. Ito ay tumutulong sa aming mga mag-aaral na makabuo ng isang malinaw at mapagsuring lapit, na makakatulong sa bawat aspeto ng kanilang gawain sa pag-aaral.

Ang pagpapaunlad ng kaalaman ng bawat mag-aaral patungkol sa mga pangunahing kaalaman sa agham, bilang bahagi ng sentrong curriculum ng paaralan, ay may kinalaman sa kaugnayan ng agham sa pang-araw-araw na pamumuha sa kasalukuyan at sa hinaharap; ang mga mag-aaral ay hinihikayat na magkaroon ng isang mapagtanong na lapit sa kanilang mga pag-aaral at tuklasin ang mga malikhaing aspeto ng pag-usbong sa agham.